Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal to celebrate showbiz anniversary with UK trip


Ngayong tapos na ang pinagbidahan niyang GMA Primetime series na “Little Nanay,” susulitin ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang kaniyang panandaliang pahinga upang makapagbakasyon kasama ang kaniyang mga kapatid.

Sa susunod na buwan, nakatakdang lumipad patungong United Kingdom si Kris kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Katie Ann at Kate.

Aniya, bukod sa pagdiriwang ng tagumpay ng “Little Nanay,” magsisilbi na rin itong pagdiriwang ng kaniyang ikasiyam na taon sa showbiz at ng kaniyang kaarawan sa darating na Mayo.

 

 

“Every year, I make sure I travel out of the country! It usually happens every after I finish a soap! Last year, I visited Australia! This year, I'm going to United Kingdom with my twin sisters @katieannbernal & @katebernal!” ayon kay Kris.

Dagdag pa niya, “A well-deserved treat for myself in celebration of my 9th year anniversary in showbiz, success of #LittleNanay, and upcoming birthday on May! England, Scotland, North Wales, Ireland, SEE YOU next month!” — DVM, GMA News