Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Nar Cabico wins ‘Superstar Duets’ grand championship


Nagwagi bilang grand champion ng Kapuso comedic singing competition na "Superstar Duets" ang singer-comedian na si Nar Cabico.
 
Matapos ang 16 episode at ilang kakaiba at nakakatuwang performances mula sa mga kilalang komedyante at impersonators, nagtunggali sa grand finals ng programa si Nar at ang kaniyang matalik na kaibigan at "Sunday Pinasaya" star na si Jerald Napoles.
 
Maliban sa isang pasabog na opening number kasama ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha, magkasama ring itinanghal ng dalawang kalahok ang "24K Magic" ni Bruno Mars.
 
 

Pasabog na opening with Asia's Nightingale! Siya talaga ang Queen of the night! ???????? #SDuetsFinale

A photo posted by Nar Cabico (@narcab) on

 
 
Sa huli, nakuha ni Nar ang titulo bilang kauna-unahang Grand Champion ng "Superstar Duets."
 
Kuwento ng kaniyang proud na kaibigan na si Jerald, "When we were still 8 contestants, I told @narcab, 'You should win this show, this is your show!' True enough: Ladies and gentlemen, the 1st #SuperstarDuets #SDuetsFinale grand winner... NAR CABICO!!! Besprend ko yan!!! Woooooh!!!"
 
"It's an honor to be your 1st runner-up. Ten yrs ago, naghahati lang tayo sa kanta para lang makapag-perform sa entablado. Reliever pa, Haha! Kaya ngayon... deserve mo 'yan!! Afford na natin mag-tapsilog! " dagdag pa ng komedyante.
 
Labis naman ang pasasalamat ni Nar sa mga bumubuo ng programa para sa pagkakataong maipakita ang kaniyang natatanging talento sa pagkanta at pagpapatawa.
 
 
 
 
 
— DVM, GMA News
LOADING CONTENT