Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Mulawin vs. Ravena’ to air in GMA Primetime this 2017!


Muling lilipad sa GMA Primetime ang isa sa mga pinakasinubaybayang Kapuso fictional characters—ang mga Mulawin.

Papamagatang “Mulawin vs. Ravena” ang pagbabalik ng iconic telefantasya, na nakatakdang ipalabas sa telebisyon ngayong 2017.

Unang ipinasilip ang teaser para sa nasabing programa sa naganap na #LipadKapuso2016 New Year's Countdown nitong nakaraang Sabado.

Kamakailan lamang, ipinasilip ng talent manager na si Popoy Caritativo ang isang larawan mula sa pagpupulong para sa nakatakdang pagpapalabas ng “Mulawin vs. Ravena.”

 

 

Meeting para sa pinaka bagong primetime show! #Mulawin2017 #MulingPaglipad #DennisTrillo

A photo posted by popoycaritativo (@popoycaritativo) on

 

 

Noong nakaraang taon, napanood sa “Encantadia” ang paglipad ng ilang Mulawin, na binigyang-buhay nina Alden Richards at Miguel Tanfelix.

Kabilang na ngayon ang “Mulawin vs. Ravena” sa mga aabangang 2017 drama offerings ng GMA Network, kasama ang “Meant To Be" nina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto; “Destined To Be Yours” nina Alden Richards at Maine Mendoza; at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na  "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News

LOADING CONTENT