Filtered By: Showbiz
Showbiz
#JusticeForRaz

Maine Mendoza joins calls for justice in case of fan found dead


Isa ang “Eat Bulaga!” Dabarkads at “Destined To Be Yours” star na si Maine Mendoza na sa mga humihingi ng hustisya kasunod ng pagkamatay ni Raz Alfaro, na isa sa kaniyang masugid na tagahanga.

Ayon sa social media updates ng mga kaibigan ng biktima, natagpuan ang labi ng registered nurse at The MaineGirls fans club administrator sa Cavite nitong nakaraang linggo lamang, at pinaniniwalaan ng marami na pinaslang ito.

Sa isang tweet nitong nakaraang Linggo, nakiisa si Maine sa mga nanawagan ng #JusticeForRaz.

“Maraming salamat sa oras, suporta at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, Ate Raz. Mamimiss kita,” mensahe niya sa pumanaw na tagahanga.

 

 

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang kilalang talent manager na si Rams David.

 

 

Wala pang tiyak na detalyeng inilalabas tungkol sa nangyaring insidente.

Mananatiling bukas ang GMA News Online upang tumanggap ng mga pahayag. —NB, GMA News