Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Maine, Alden arrive in California for ‘KS sa US’ concert


Dumating na sa Los Angeles, California ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, kasama ang “Eat Bulaga!” Dabarkads na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, para sa kauna-unahang AlDub Concert sa America.

Magaganap ang “KS sa US” concert ngayong April 9 sa Pasadena Civic Auditorium, at sa April 12 sa Kings Theater sa New York.

 

Ngayong Linggo, masayang sinalubong ng Team Abroad ang Kalyeserye stars ilang oras bago ang kanilang unang international event.

 

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas, todo-alalay si Alden kay Maine dahil ito ang unang beses na magiging bahagi ang dalaga ng isang pagtatanghal sa America.

 

Bukod sa araw-araw nilang pagpapasaya sa “Eat Bulaga,” mapapanood rin ngayon sina Maine at Alden sa GMA Primetime series na “Destined To Be Yours,” ang kanilang kauna-unahang teleserye.

Kasama nilang bumibida rito sina Juancho Trivino, Koreen Medina Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Gardo Versoza, Janice de Belen, Sheena Halili, RJ Padilla, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, at Dominic Roco. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News