Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Dantes family enjoying ‘Italy leg’ of Europe tour


Matapos lumibot sa iba't ibang bahagi ng Greece, nasa Italy na ngayon sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Baby Zia bilang bahagi ng kanilang “15-day holiday” sa Europe

Nag-enjoy ang pamilya sa Lecce bago pumunta sa Puglia para maging bahagi ng kasal nina Pam Quinones at ng kaniyang kasintahan, na dinaluhan rin ng marami pang personalidad, tulad nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Rajo Laurel, Robbie Pinera, at Jing Monis.

Ayon kay Marian, susulitin na nila ang kanilang family vacation at magpupunta na rin sa Spain sa mga susunod na araw upang makasama ang kaniyang ama na si Francisco Javier

“Kasi 'yung kaibigan ko, ikakasal sa Italy. So pupunta kami doon, nanamnamin na namin at magiikot-ikot na kami,” kuwento ni Marian sa naunang panayam.

Dugtong niya, “Ang ending namin, si Papa. Gusto na niyang makita si Zia,”

Silipin ang masayang pamamasyal nina Dingdong, Marian, at Zia sa iba't ibang bahagi ng Italy:

 

 

—Bianca Rose Dabu with Jannielyn Ann Bigtas/LBG, GMA News