Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi Delas Alas, Lav Diaz, and more win in ASEAN Int'l Film Festival


Isa ang Kapuso host-actress at Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas sa mga Pinoy na kinilala sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2017, isang gabi ng parangal na naganap sa Malaysia nitong Sabado.

Nakuha ni AiAi ang Best Actress award para sa kaniyang pagganap bilang isang “aging prostitute” sa independent film na “Area.”

Kabilang sa mga kapwa-nominees niya sa nasabing kategorya ang mga kilalang aktres mula sa Vietnam, Laos, at Indonesia.

Hindi man siya nakadalo sa awards night, nagpaabot pa rin ng walang-hanggang pasasalamat ang aktres sa Panginoon, sa mga bumubuo ng AIFFA, at sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kaniya.

“Maraming, maraming salamat po, Panginoon, sa blessing na ito! Walang hanggang pasasalamat sa inyo, aming Hari at Panginoon. Mama Mary, I love you. Thank you sa lahat ng bulong mo kay Lord,” aniya sa isang Instagram post.

Dagdag pa niya, “Thank you, ASEAN INTERNATIONAL AWARDS, for this award. No words can express my happiness and being so grateful for this prestigious award.”

Nag-iwan rin ng mensahe ang Kapuso star para sa mga tulad niyang ina: “Malapit na ang Mother's Day, and I want to dedicate this award to all the mothers sa buong mundo. Ito ay kwento nating mga ina.”

Ang parangal na ito ay kasunod ng pagtanggap ni AiAi ng kaniyang kauna-unahang international award—ang Best Female Actor award mula sa Queens World Festival ngayong taon. 

Nagwagi rin sa AIFFA 2017 sina Louie Ignacio (Best Director, Area), Ricky Davao (Best Supporting Actor, Dayang Asu), Ana Capri (Best Supporting Actress, Laut), Lawrence Fajardo (Best Film Editing, Imbisibol), at Lav Diaz (Special Honour Award, Babaeng Humayo).

Kabilang naman sa mga dumalo sa parangal sina Nora Aunor, Benjamin Alves, Cherie Gil, Jaclyn Jose, at marami pang iba.

 

 

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves) on

 

 

 

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves) on

 

 

 

A post shared by Ms Cherie Gil (@macherieamour) on

 

Sa loob ng tatlong taon, patuloy na kinikilala ng ASEAN International Film Festival and Awards ang mga makabuluhang pelikula mula sa mga bansa ng ASEAN region upang matupad ang layuning "promote culture, tradition, and heritage towards a united ASEAN." — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News

LOADING CONTENT