Hindi naiwasang maging emosyonal ni Miss World 2013 Megan Young nang ianunsyo ni Saab Magalona na kambal ang kanyang ipinagbubuntis.

Sa Instagram ni Lauren Young, makikitang tuwang-tuwa ang magkapatid nang malaman nila ang pagdadalantao ng kanilang kaibigan.

 

Our reactions when Saab told us she was pregnant!!!! This video is so cheesy ???? but I'm so happy for you @saabmagalona and @jimbacarro!! Can't wait to spoil them in the future, but for now I'll spoil Saab with all her special food requests!! ????????

A post shared by Lauren Young ? (@lo_young) on

Sa naturang video, makikita rin na napaluha pa si Megan sa kanyang sobrang saya.

Nag-iwan naman ng "Congrats!" message ang magkapatid bilang pagbati kina Saab at asawa nitong si Jeremiah “Jim” Bacarro.

Nitong Biyernes, Setyembre 29, ipinakita ni Saab ang larawan ng kanyang ultrasound kasabay ng anunsyo niyang pagbubuntis. —LBG, GMA News