Filtered By: Showbiz
Showbiz
ALAMIN

Ano ang nagustuhan ni Sam Pinto sa kaniyang boyfriend?


Boyfriend ngayon ng sexy actress na si Sam Pinto ang Azkals footballer na si Misagh Bahadoran.

Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento ni Sam na mahigit dalawang taon na siyang "in a relationship" kay Misagh, at aminado siyang mahirap ang kanilang long-distance relationship.

Nasa Malaysia ngayon si Misagh nang pumirmang maglaro para sa isang Malaysian team, ngunit bahagi pa rin siya ng Azkals.

Para mapanatili ang kanilang relasyon, bumibisita si Sam sa Malaysia at si Misagh sa Pilipinas kung may oras sila.

Na-attract daw si Sam sa blue eyes ni Misagh, at sa karakter nito. "Mata talaga... He's very simple and he's little overprotective, by the way. And also with him, he's super family-oriented."

Kinilala si Sam bilang sexiest Pinay ng Pilipinas noong 2011 at 2012, na masasabi niyang "unexpected" at "overwhelming" para sa kaniya.

Yoga ngayon ang workout ni Sam para mapanatili ang kaniyang slim at sexy figure.

—Jamil Santos/LBG, GMA News