Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Comedian Chokoleit arrested in Dubai for wearing micro shorts


Dahil sa pagsuot ng micro shorts ay hinuli ng mga pulis sa Dubai ang comedianna si Chokoleit. Isang kaibigan na nagkataon na nasa Dubai ang nag-text sa writer na ito tungkol sa balita, na kinumpirma naman ng komedyante sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nitong Huwebes, April 7. Nangyari ang insidente noong Sabado, April 2. Kuwento ni Chokoleit, papauwi na siya ng Pilipinas nang mangyari ang insidente. Naglalakad daw siya patawid ng kalsada galing sa tinuluyan niyang hotel sa Dubai nang bigla siyang hinintuan ng mga pulis at binitbit sa presinto. "Malay ko bang matsambahan ang alindog ko ng mga pulis!" sabi ni Chokoleit. Mahigit five hours daw sa police station si Chokoleit. Kahit anong pakiusap daw niya na pakawalan na siya dahil mahuhuli na siya sa flight ay hindi raw siya pinakinggan ng mga pulis. Bawal daw pala kasi sa Dubai ang magsuot ng maiksing shorts sa kalye. Dahil sa nangyari ay naiwanan ng flight niya si Chokoleit. "Wala talagang piyansa, na-question lang ako kaya sa ilang oras ko sa presinto, hindi na ako nakahabol sa flight ko going bak to Manila kaya nagpa-rebook na lang ako. First flight back diretso ako US Embassy for Star Magic US tour. Last Monday pa nangyari yun. "Isang malaking katsipan talaga!" banggit pa ni Chokoleit tungkol sa naging experience niya. - Jimi Escala, PEP