Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin Padilla and his brothers still in 'state of shock' over BB Gandanghari


Aminado si Robin Padilla na hanggang ngayon ay nasa "state of shock" pa rin siya at ang kanyang mga kapatid dahil sa nangyayari ngayon sa kapatid nilang si Rustom Padilla—o mas kilala ngayon bilang BB Gandanghari. "Shocking pa, e... nasa state of ano pa kami... shock. Kaya medyo..." nabanggit nga ni Robin sa harap ng nag-iinterbyu sa kanyang mga miyembro ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nitong Miyerkules ng hapon, Marso 21, sa presscon ng Moneygram International sa Crowne Plaza Hotel, Pasig City. Si Robin ang celebrity endorser o brand ambassador ng nabanggit international payment services company. "Lalo na ako," dagdag pa ni Robin sa pagiging shocked nga ng magkakapatid na Padilla kay BB Gandanghari. Ibig bang sabihin ay talagang hindi pa rin tanggap ni Robin si BB? "Naku, napunta na sa ano..." biglang baling ni Robin sa photo wall na may logo ng bago niyang iniendorsong produkto na ikinatawa naman ng mga kausap niya. Bago kasi ang interview portion ng press sa action star ay sinabihan na ang press na kung maaari ay huwag nang magtanong tungkol kay BB. Pero dahil nabanggit na rin lang ni Robin si Rustom/BB ay tinuluy-tuloy na ng press ang pagtatanong tungkol sa kapatid niyang ito. "Darating tayo diyan, isang araw. "Sa ngayon, hindi kami okey ni Rustom," pag-amin ng Toda Max star tungkol kay BB. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na tatalikuran niya ang kanyang kapatid dahil sa ginawa nito. Sa kabila kasi ng lahat ay kapatid pa rin daw niya ito. "Bilang kapatid, oo, siguro," ani Robin tungkol sa pagiging kapatid pa rin niya nito. "Pero sa mga paniniwala... magkaiba kami ng tinatahak." -- Rommel R. Llanes, PEP
LOADING CONTENT