Filtered By: Showbiz
Showbiz

Martin del Rosario, Kapuso na; 'Rhodora X', unang proyekto




Nagsimula ng mag-taping para sa GMA primetime series na "Rhodora X" ang bagong Kapuso actor na si Martin del Rosario.  Ayon sa 21-year-old actor,  gusto niyang magkaroon ng mga pagbabago sa kanyang showbiz career kaya umalis sa kaniyang dating tv network.

Sa artikulong isinulat ni Jojo Gabinete sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, sinabi ni Martin na naging maayos at walang naging problema sa pagpapaalam niya sa mga opisyal ng ABS-CBN.

Sa susunod na taon pa raw sana matatapos ang kontrata ni Martin sa kaniyang dating home network pero nakiusap siya na payagan siyang ma-release nang maaga.

“Nagpa-release ako para new environment, para mas mabigyan ako ng mas magandang breaks," anang aktor na nagpahayag ng kasiyahan na napagbigyan ang kaniyang kahilingan.

“I’m very happy naman sa desisyon ko, wala akong pinagsisihan," ayon kay Martin.

Nakapagpahinga na rin daw siya ng isang buwan at nagulat siya nang abisuhan siya na magta-taping na siya para sa "Rhodora X" na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Kaugnay nito, sinabi ni Martin na ang pag-uugnay sa kanila ng kanyang kaibigang modelo na si Zuher Bautista, ang itinuturing niyang pinakamatinding intriga na naranasan niya bilang isang artista.

Iginiit ng aktor na matagal na niyang kaibigan si Zuher at ang isang lumabas na picture na magkatabi sila ay niretoke.

Nilinaw niya na hindi photoshopped ang lumabas na larawan pero na-cropped na ito nang husto.

“Pero sa totoo lang, nasa akin ang original picture, cropped yung mga tao sa likod. Cropped yung mga nakatayo," aniya. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT