Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jose Manalo on rumors of live-in relationship with ex-dancer: 'Wala akong dyowa ngayon'


Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose Manalo sa 28th PMPC Star Awards for TV, na ginanap sa Solaire Grand Ballroom, noong November 23.
 
Siya ang nanalo sa kategoryang Best Single Performance By An Actor, ka-tie si Arjo Atayde, para sa pagganap niya sa Lenten presentation ng Eat Bulaga.
 
Kasabay ng desisyon niyang pagbukod ng bahay sa kaniyang ina ay ang isyung mayroon na raw kasing live-in partner si Jose.  
 
Bali-balitang ang matagal nang nang-link sa kanyang dancer ng Eat Bulaga, na hindi na active ngayon sa show, ang kanyang kasintahan.
 
Ngunit diin ni Jose, “Wala akong dyowa ngayon. Wala talaga.
 
“Alam mo naman ang mga artista, kung ano ang mga isyu, yun at yun din naman ang ipinupukol sa iyo.”
 
Itinanggi rin ni Jose ang balitang may nakakita raw sa kanyang mga residente sa isang subdivision habang nagdya-jogging kasama ng kanyang diumano’y live-in partner.
 
“Ay, hindi! Wala pa tayong ibinabahay. 
 
“Hindi pa natin kayang magbahay… marami pa tayong obligasyon.”
 
Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang financial support niya sa kanyang mga anak?
 
“Hindi naman mawawala yun,” sabi ni Jose.
 
Settled na ba ito out of court o dinidinig pa sa korte?
 
“Nasa court na ‘yan. So, hindi pa ako puwedeng magsalita kasi bawal pa.
 
“Pero yung sustento sa bata, nandun yun… hanggang ngayon pa rin pala.”
 
Nilinaw naman ni Jose ang naging pahayag ng anak niyang si Nicco Manalo na nag-uusap na raw sila ng kanyang estranged wife.
 
Ayon kay Jose, sa korte lang sila nag-uusap ng misis niya sa harap ng judge at sa mga abugado nila.
 
Hindi raw sila nag-uusap nang wala sa korte. At apat na taon na nila itong ginagawa. — PEP
LOADING CONTENT