Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aiko Melendez, humiling ng isa pang baby sa ex-husband na si Jomari Yllana?



 
Kahit matagal na rin silang hiwalay, "mama" at "dada" pa rin daw ang tawagan ng ex-couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana, at nananatili pa rin ang kanilang magandang pagtitinginan.

Kinumusta kamakailan ng Philippine Entertainment Portal kay Aiko ang lagay ng relasyon nila ni Jomari, ang ama ng panganay niyang anak na si Andrei.

Sabi ni Aiko, “Oo nga, e. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang kulang sa amin.

"Pero sinabi ko sa kanya, kasi nga sa birthday ko sa December 16, sabi ko sa kanya...

"Hindi ba, kapag magti-thirty-nine, ‘pag nine, not so good? So you have to say it, 40.

"Sabi ko, ‘Dada, sana ‘pag 40 ko, magkaroon pa ako ng isang anak.

"'Ayokong magka-anak sa iba na naman, ‘di ba?

“'Gusto ko naman, kung sakaling 40 years old, single ka at single ako, bakit hindi natin subukan na tayo na lang?'

“So, siyempre, sabi niya, tinawanan na naman ako ng lolo mo at nag-wet na naman ng lips niya, ‘di ba?

"Na very Jomari Yllana acting. Sabi ko, 'Huwag ka namang kiligin diyan!'

“'Baliw ka talaga!' sabi niya.

"Sabi ko naman sa kanya, 'Kaya mo nga ako mahal kasi baliw ako, 'di ba?'

"Sabi niya sa akin, hindi naman daw magbabago ang pagtingin niya.

"So, kesehoda raw na mag-39 ako, 40 or 50 years old ako, mahal pa rin naman daw niya ako.”

Until now, "Mama" at "Dada" pa rin ang tawagan nila sa isa’t isa?

“Oh, yeah, he will always be my Dada,” ngiti ni Aiko.
 
Paano nila na-maintain ni Jomari ang maganda nilang relasyon? May sikreto ba sila at friends pa rin sila hanggang ngayon?

“Prayers, kasi mas pinagdasal ko talaga na maging okey ako, not only kay Jomari, ha.

"But also kay Martin [Jickain], ‘yung tatay naman ni Marthena.

“And then the wife of Martin, si Maggie, who I love and respect so much.

"Kasi sobrang close kami ni Maggie, yeah, right!

"Parang unconventional na parang how in the world that I’ll be okay and friends-friends with the wife

of my ex, ‘di ba?

“Ka-text ko. Every time na meron akong project and secrets, Maggie knows that. I love and adore her.

"At lahat 'yan, ipinagdasal ko.

“That’s one thing na siguro na iniregalo sa akin ng Diyos.

“When you have that faith, when you go through so much trials, you have to pray for it.

"And, you know, have faith na malalampasan mo yun.

“'Eto nga, God has restored everything.”

So, by next year, magkaka-baby na siya?

“Ay, sorry. Kasi, ‘di ba, 39 pa lang ako?

“Magti-thirty-nine, so meron pa akong one year.

"Nagkakaroon pa naman ako, e. So, hindi ko kailangan ma-bother!” sabay tawa ni Aiko sa kanyang pagpapatunay na hindi pa siya menopausal. -- Julie E. Bonifacio, PEP

For the full story, visit PEP.
LOADING CONTENT