Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabbi Garcia, gaganap sa dating role ni Angel Locsin sa TV remake ng Let The Love Begin




Masuwerte ang teen stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid dahil sila na ang susunod na ilu-launch ng GMA Network sa pamamagitan ng upcoming primetime series na Let The Love Begin, na magsisimulang mapanood sa April.

TV remake ito ng box-office hit movie nina Richard Gutierrez at Angel Locsin noong 2005.

Gusto rin ba ni Gabbi na sundan ang career path ni Angel?

Sabi niya, “Wala po kasi akong masyadong... siguro po, no one can ever replace an Angel Locsin kasi she’s a great actress.

"Siguro po, I will do my best na makilala as Gabbi Garcia po.

“Kasi, gusto ko rin pong makilala as someone who can act, sing, dance, and play instruments. Yung ganun po.”

Wala siyang iniidolo?

Ayon kay Gabbi, “Of course, meron po akong ina-idolize.

"But I really want to be known kung ano po ako, not to be compared with anyone, yung ganun po.”
Ngayon pa lang, aminado si Gabbi na may halong kaba ang pasasalamat nila ni Ruru sa tiwala ng Kapuso network sa kanila.

“Siyempre po, nakaka-pressure po and nandun yung kaba, which helps to remind me na huwag maging kuntento.

"Kung anuman yung nabibigay ko, dapat more, more, more.
 
FOR REAL? Bukod sa pagiging magka-loveteam, may usap-usapang kahit sa totooong buhay ay sina Gabbi at Ruru na.

Ngunit paglilinaw ng dalaga, “Ay, hindi po kami!

“Loveteam lang. Very close lang.”

Hindi nanliligaw sa kanya si Ruru?

“Tanungin niyo po siya!” natawang sabi niya.

“Pero close lang po talaga kami.

"Kasi, ever since My Destiny, kami na po ang magkasama.

"And both or our parents are really close rin. His sister, my sister are really close.

“Kahit off-cam, nakakapag-hangout kami, like we watch movies. We go to the mall.”

Nakatulong ba sa loveteam nila ang anumang relasyon nila ni Ruru?

Sagot ni Gabbi, “Of course, it’s a give-and-take relationship with Ruru.

"Parehas kaming nagbibigay sa isa’t isa. 

"Siguro, nag-work po ang tandem namin because we’re really  close on-cam and off-cam, so yun…”
Sixteen pa lang si Gabbi at bawal pa raw siyang makipagrelasyon.

“Career first, studies first,” sabi niya.

Pero posible kayang mauwi rin sa off-cam na relasyon ang loveteam nila ni Ruru?

“Well, nothing’s impossible naman, but hindi ko muna iniisip yung mga ganung bagay,” aniya.
 
KUYA GABBY. Kung may isa man daw ipinagpapasalamat si Gabbi, ito ay ang magkaroon ng pagkakataong makatrabaho si Gabby Eigenmann sa InstaDad, na magsisimulang mapanood sa April tuwing Linggo ng hapon.

Si Gabbi ang isa sa triplets na anak ni Gabby sa kanilang weekly series. Ang dalawa pa ay sina Ash Ortega at Jazz Ocampo.

Sabi ng teen actress, “Si Kuya Gabby po, napakabait, napakahusay. Sobrang madali lang siyang i-reach out.

"And natutuwa po ako sa kanya, hindi po siya madamot sa knowledge niya, sa experiences niya.

“He makes sure na sini-share niya yun sa amin bilang kami ay mga bagong aktres.

“Ako, personally sobrang dami kong natutunan kay Kuya Gabs.

"Hindi lang po nag-i-stop ang relationship namin on-cam but also off-cam.

"Kasi, palagi po kaming magkausap sa Viber." -- Rose Garcia, PEP