Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats pregnant with first child with new husband VJ Yambao


Buntis na si Camille Prats sa magiging panganay nilang anak ng kanyang mister na si VJ Yambao.

Kinumpirma ni Camille ang pagdadalantao niya sa taping ng Mars ngayong araw, February 1.

Ang Mars ay ang Monday to Friday evening program nila ni Suzi Entrata sa GMA News TV.

Ikinasal sina Camille at VJ sa Nayomi Sanctuary Resort, sa Balete, Batangas, noong January 7, 2017.

Pareho nang may anak sina Camille at VJ mula sa dati nilang mga relasyon.

Si Camille ay may isang anak na lalaki, si Nathan, mula sa kanyang yumaong asawa na si Anthony Linsangan.

Sumakabilang-buhay si Anthony dahil sa nasopharyngeal cancer noong September 2011.

Si VJ naman ay mayroon na ring isang anak na lalaki mula sa kanyang dating girlfriend.

Mapapanood sa February 7 episode ng Mars ang buong detalye tungkol sa pagbubuntis ni Camille. —PEP

For more showbiz stories, visit PEP.