Nagbigay ng paglilinaw si Ellen Adarna sa PEP.ph tungkol sa lumabas na kolum ni Ricky Lo, na nagtatanong kung totoong buntis ang sexy actress.

Sa exclusive report sa PEP.ph ni Arniel Serato, sinabing ang reaksyon ni Ellen ay patungkol sa sa Funfare column ni Ricky sa The Philippine Star nitong Martes, May 30, na may pamagat na, “Is Ellen Adarna preggy?”

Nakasaad sa naturang kolum na may isa raw kaibigan si Ellen na nagsabi kay Ricky na masaya siya para sa pagbubuntis umano ng aktres.

Gayunman, hindi raw tinukoy sa kolum kung sino ang ama ng sinasabing ipinagbubuntis ni Ellen.

Ayon sa ulat ni Arniel nitong Martes, sinabing sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng text messages ng PEP associate editor na si Rommel Llanes kay Ellen, mariing itinanggi umano ng 29-anyos na sexy actress na buntis siya.

Ipinaliwanag din umano ni Ellen na nagbakasyon siya sa Cebu kaya hindi siya naging aktibo sa showbiz sa nakaraang buwan.

"Nope," tugon umano ni Ellen sa tanong kung talagang buntis siya.

"I took a month off for sanity's sake. Went back to Cebu and spent time with my family. That's it," dagdag pa ng aktres.

Noong nakaraang taon nang mapabalita ang relasyon nina Ellen at Baste Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging laman pa ng ilang talumpati ni Pangulong Duterte si Baste dahil sa hindi umano pag-uwi ng anak sa bahay.

READ: Duterte takes swipe at Baste: Hindi umuuwi ng bahay, sige lang doon kay Adarna

Pero noong nakaraang Enero, napabalitang naghiwalay na rin ng landas ang dalawa. (Read: Ellen Adarna says Baste Duterte broke up with her via text). -- FRJ, GMA News