Inihayag ni National Youth Commission chairperson Aiza Seguerra na suportado niya ang pagpapalit ng pangalan ng kapwa-singer at transman na si Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon. Inamin din niya na noon pa man ay may plano rin siyang gumamit ng ibang pangalan.

Pahayag ni Aiza, “I’m very happy for Jake.

“Para sa akin, it takes courage to come out of the closet.

"And, kumbaga, if it’s hard na for lesbians and gays, it’s harder for trans people like us.

“Mahirap siya dahil marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng transgender.

"So, for him to be able to do that, hindi biro to really come out and... alam mo yun?

"I’m really proud of him."

Pahayag ni Iza nang nakausap ng PEP.ph sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino, na ginanap kamakailan sa isang Hotel sa Quezon City.

Inamin din ni Iza na pumasok din sa isipan niya na magpalit ng pangalan bago pa man ang pagpapalit ni Charice ng pangalan.

“Yeah, oo naman,” walang atubili niyang sagot.

Dagdag niya, “Liza [Diño, his wife] and I have been discussing it bago pa man lumabas ang tungkol kay Jake.”

Ano ang sabi ni Liza?

“Ano naman siya... she really supports me.”

Just in case, may naisip na ba siyang bagong pangalan?

“May pinag-uusapan kami, and it’s not really far from my name.

"Kasi, ever since naman nung high school ako, nickname ko na is Ize.

"Yun lang. Yun ang tawag sa akin.

“Actually, yun naman ang tawag sa akin ng mga friends ko ngayon, kasi nga malapit sa pangalan ko.”

Ano ang gagamitin niyang apelyido?

Sagot ni Aiza, “Seguerra pa rin. Ize Seguerra, that’s it.

“So, kumbaga, to really... to launch myself as Ize, siguro right now, hindi ko pa siya naiisip because I’m very busy doing things.

“But ayun, my wife and I, we discussed it na... ‘Love, what if sa February we want to, transition... start transitioning?’

“Sabi niya, ‘You really want to do it?’

"Sabi ko, ‘Yeah, I’ve been wanting to do it. Will you support me?’

"‘Yes, I will support you.’ So, ayun.”

Hindi naman niya ito gagawin dahil na-inspire siya sa ginawa ni Jake?

“No,” tanggi ni Aiza.

“Actually, even before he came out, we've been discussing it.

"Siyempre, may mga considerations lang."

Paglilinaw din ni Aiza, kung sakaling magpalit siya ng pangalan ay para lang sa screen name niya, gaya ni Jake Zyrus. -- For the full story, visit PEP.ph