Sumakabilang-buhay ngayong Linggo, September 8, ganap na alas-diyes ng umaga sa Cardinal Santos Memorial Medical Center ang veteran actor na si Lito Legaspi.

Cardiac arrest ang ikinamatay ni Legaspi na nakaramdam ng paninikip ng dibdib noong Biyernes kaya isinugod siya sa Cardinal Santos Memorial Medical Center.

Pumanaw si Legaspi sa edad na 77 at naulila niya ang mga anak na sina Zoren, Kier, Brando at ang kanyang estranged wife na si Hershey Legaspi.

Ang My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7 ang huling television assignment ni Legaspi na nakatakda sanang magdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan sa September 10. — For the full story, visit PEP.ph