GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Ang sinag sa bandila ng Pilipinas

June 12, 2008 5:50pm
MANILA - Walong sinag ng araw ang makikita sa watawat ng Pilipinas na simbulo ng walong lalawigan na unang nag-aklas laban sa pananakop ng Kastila. Alam nyo ba na minsan ay may panukalang batas na inihain sa Kongreso para dagdagan ng isa ang mga sinag na ito?

Taong 1970s nang ihain ni Lanao del Sur Rep. Sultan Omar Dianalan ang House Bill 7725 upang gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas. Ang dagdag na isang sinag ay kakatawan umano sa Muslim at mga katutubo na kasamang nakibaka laban sa mga dayuhang mananakop.

Ang walong sinag sa watawat ay kumakatawan sa Maynila, Bulacan, Cavite, Laguna, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Batangas.

Hindi nakalusot ang panukala ni Dianalan dahil isa sa tatlong tala na nakalagay sa watawat ay kumakatawan na o simbulo ng mga Muslim o Mindanao. Bukod sa Mindanao, simbulo sa tatlong tala ang Luzon at Visayas. - GMANews.TV