GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

1.1 milyong MT produkto ng palay inaasahan sa 2008

June 21, 2008 9:06pm
MANILA – Inaasahan na aabot sa 1.1 milyong metriko toneladang palay ang aanihin sa ikalawang bahagi ng taon, ayon sa Bureau of Agricultural Statistics.

Sa pulong balitaan sa Sulo Hotel sa Quezon City nitong Sabado, sinabi ni Dr Frisco Malabanan, program director ng Ginintuang Masaganang Ani program, ang produksyon ng palay sa susunod na anim na buwan ay tataas sa 10.6 milyong MT mula sa 9.5 milyong MT noong Hulyo – Disyembre 2007, upang maging 17.3 milyong MT sa 2008.

Sinabi ni Malabanan na ang pagtaas ng produskyon ng palay ay bunga na rin sa pagdami ng lupa na tinataniman nito. - GMANews.TV