GMA News Online
Public Affairs
»
Wish Ko Lang

Wish Ko Lang

Outstanding teachers

July 10, 2008 9:43am
Episode on July 12, 2008
Saturday, 4:30 p.m.


This Saturday, Wish Ko Lang! recognizes outstanding teachers.

Juliet Gonzales Dy was an exemplary teacher admired by her students and peers. Thus it was a shock to many when they chanced upon her again after several years. Ms. Dy was found aimlessly wandering in Ortigas. What has driven the once active teacher to this hapless state?

Also featured is young teacher Jacky Reyes. Jack was recently widowed and has to fend for her two kids. A third child is due next month. Despite her delicate condition, the expectant mother has no qualms taking on multiple jobs. How long will Jacky last trying to make both ends meet for her family?

Also, witness the grand recognition for Napoleon Fernandez, the founder and organizer of the Pinoy Martial Arts, Yaw-Yan. Mr. Fernandez now faces the greatest battle of his life.




Ngayong Sabado, pararangalan ng Wish Ko Lang!, ang ilang natatanging mga titser.

Di makapaniawala ang mga nakakikilala kay Juliet Gonzales Dy, dating guro, na hahantung siya sa kaawa-awang sitwasyon. Halos sampung taon nang wala sa tamang katinuan si Ma'am Juliet at pagala-gala na lamang sa sa Ortigas. Ang titser na hinahangaan noon, halos hindi na makilala ng kaniyang mga dating mag-aaral. Ano kaya ang pinagdaanan ni Ma'am Juliet na nagtulak sa kaniyang mawala sa sarili?

Tampok rin ang kwento ng na-byudang guro na si Jacky Reyes. Ipinagbubuntis ni Jacky ang pangatlong anak nang biglang bawiin sa kaniya ng tadahana ang asawa. Araw araw walang inaaksayang oras ang masipag na titser. Pilit humahanap ng paraan para buhayin ang dalawang anak at mapaghandaan ang pagdating ng bunso sa susunod na buwan.

Abangan din ang pagkilala sa kaisa-isang founder at originator ng Pinoy Martial Arts na Yaw-Yan, si Napoleon Fernandez. Ang dating walang kasing-siglang master ngayon ay halos di na makakilos dahil sa matinding karamdaman.
Go to comments