ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Panukalang batas sa hazard pay sa mga kawani inihain sa Kamara
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong bigyan ng P2,000 hazard pay ang mga kawani ng gobyerno na ang trabaho ay may kaakibat na kapahamakan sa kanilang kalusugan at kaligtasan. Batay sa House Bill No. 4198 na inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, kasama sa maaaring makatanggap ng P2,000 hazard pay ang mga kolektor ng basura, mga nagwawalis sa kalsada, mga traffic aid at iba pang kahalintulad na manggagawa sa gobyerno. Sinabi ni Rodriguez na sakop ng benepisyo ang lahat ng posisyon maging ang kawani ay consultant o contractual. Nakakalungkot umanong isipin na upang mapagaang ang pamumuhay ng nakararami ay kinakailangang may mga taong magtrabaho ng mga gawaing may panganib sa kalusugan at kaligtasan, ayon sa kongresista. Sinabi niya na dapat suklian ng pamahalaan ang mga kontribusyon ng mga nasabing manggagawa dahil sila ang umaako ng mga gawaing tinatanggihan ng marami. Kapag naaprubahan, aatasan ang mga lokal na pamahalaan na maglaan ng kaukulang pondo na kakailanganin upang maipatupad ang panukala. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: hazardpay, houseofrepresentatives
More Videos
Most Popular