GMA News Online
Public Affairs

Pagkaing pinasarap ng panahon

July 21, 2008 5:58pm
Episode on July 24, 2008
Thursday night after Saksi


Do you know that there’s a certain species of sea grass that are delectably edible? Miriam Quiambao travels to the Island of Binuangan in Obando, Bulacan to taste the “Dampalit Atchara," a popular side dish in the island made from Dampalit sea grass. Aside from harvesting Dampalit, Miriam also discovers that aside from papaya, Bulakeños also use the bitter ampalaya to make their famous atchara!

From Obando, Miriam then travels to Candaba, Pampanga to taste Tita Lida Lacandulao’s famous Binurong Isda! Tita Lida uses the fishes from the Candaba swamp like tilapia, dalag and hito to cook the weird-looking yet extremely palatable Buro. Miriam also gets to try Babing Bakut, a pork dish that could last for two weeks without refrigeration! How is this possible? Through “sangkutsa," a very old process that uses salt and vinegar to preserve meats.

Meanwhile, Joaquin Valdes visits the town of Balanga, Bataan to check out our favorite breakfast viand: tuyo and daing! Salted and sun – dried, these ready-to-cook fishes could last for weeks without refrigeration! Joaquin then goes to Rosario, Cavite to taste their famous tinapa or smoked fish. He discovers that the tinapa that this town boasts of was served to the Katipuneros during the 1800s!

Join Miriam Quiambao and Joaquin Valdes in this mouth–watering episode of 100% Pinoy, airing this Thursday midnight after Saksi, Liga ng Katotohanan.




Paano pinatatagal ng mga Pilipino ang kanilang pagkain? Sa pamamagitan ng mga tradisyunal na paraan ng pagpepreserba… tulad ng pagtutuyo, pagtatapa, pagbuburo, pag-aatsara at pagsasangkutsa! Dahil sa mga paraang ito, naipapakita ng mga Pinoy ang diskarte para mapatagal at makatipid sa pagkain, at ituturo iyan sa atin nina Miriam Quiambao at Joaquin Valdes sa 100% Pinoy!

Nakakain ka na ba ng halamang dagat? Bibiyahe si Miriam Quiambao patungong Obando, Bulacan para manguha ng Dampalit, isang uri ng halamang dagat na popular na ginagamit para sa atsara sa isla ng Binuangan. Dito, malalaman din niyang bukod sa papaya, ginagawa rin palang atsara ang napakapait na ampalaya!

Mula Bulacan, didiretso naman siya sa Candaba para tikman ang mga binurong isda ni Lida Lacandulao! Mga isdang nahuhuli sa Candaba Swamp tulad ng tilapia, dalag at hito ang ginagamit ni Aling Lida sa kanyang mga binuburo, at kahit na nakakadiri raw ang itsura, tiyak naman daw masarap ang lasa ng mga ito! Matitikman din ni Miriam ang Babing Bakut … isang sikat na putaheng kayang tumagal ng dalawang linggo nang hindi napapanis!

Samantala, bibisitahin naman ni Joaquin Valdes ang Balanga, Bataan kung saan specialty ang paggawa ng paborito nating ulam sa almusal : ang tuyo at daing! Dito niya malalaman na ang pagbabad pala ng mga isda sa araw ay paraan din para mapatay ang mga bacteria na puwedeng makuha sa mga malalansang isda.

Mula Balanga, didiretso si Joaquin sa Rosario, Cavite na sikat sa pagtitinapa. Dahil sa galing nila sa pagtitinapa, ipinangalan ang bayan ng Salinas sa "salt" o asin, at ang tinapang ginagawa rito, madalas daw ihain noon sa mga Katipunero!

Tikman ang sarap ng mga Pagkaing Pinasarap ng Panahon kasama sina Miriam Quiambao at Joaquni Valdes ngayong Huwebes sa 100% Pinoy, pagkatapos ng Saksi, Ligan g Katotohanan.
Go to comments