GMA News Online
Showbiz

Angelika: I’m married, three months pregnant

October 12, 2008 6:40pm
Isa sa exclusive stories ng Showbiz Central nitong Linggo ay ang pag-amin ng aktres na si Angelika dela Cruz na siya ay kasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Orion Casareo at siya ay tatlong buwang buntis na. Pero umaga pa lang ay kausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa pamamagitan ng text nang binati namin siya sa kanyang bagong kalagayan.

Hindi na niya kami tinanong kung ano ang alam namin. Isang mahabang text na lang ang kanyang ibinigay. Ito ang nilalaman ng kanyang text message sa PEP:

"We got married August 19 [2007]. Nung Thursday [October 9] ko lang nalaman na pregnant ako. Grabe, I'm so happy too! Nagulat lang. Do you think I should tell the truth na that I was engaged na for two years and kept it dahil inutusan ako? I don't want to lie anymore."

Matagal na ang relasyon nila ni Orion. Sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, October 11, inamin ni Angelika na nag-propose na sa kanya si Orion para sa isang church wedding.

Pero kanina sa "Central Jury" segment nina Rufa Mae Quinto at Mo Twister ay inamin ni Angelika na noon pang December 4, 2007 sila engaged ni Orion. Hindi lamang ito sinabi ni Angelika noon dahil may nagbawal daw sa kanya na isiwalat ito.

Pagkatapos nito ay pinili ni Angelika ang "Killer Question" at dito na niya inamin na ikinasal na sila ni Orion sa Huwes. Inamin din niya na tatlong buwan na siyang buntis.

"I am pregnant. I'm very happy and I am very proud," sambit ni Angelika.

Kasama ni Angelika sa studio ng Showbiz Central kanina ang kanyang mister na si Orion, ang kanyang ina, at ang kanyang bunsong kapatid.

Bagamat nakausap na ni Angelika ang PEP kaninang umaga, nag-request ang aktres na huwag unahan ang Showbiz Central dahil doon na lang daw siya magbibigay ng detalye. - Philippine Entertainment Portal