ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Petisyon para bawiin ang kalayaan ni Teehankee inihain sa SC
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihain sa Korte Suprema nitong Miyerkules ni Atty. Ernesto Francisco ang petisyon upang ibasura ang ginawang pagbawas ng Board of Pardons and Parole sa sentensya ni Claudio Teehankee Jr at pagkakaloob sa kanya ng executive clemency para makalaya. Si Francisco ay isa sa tumayong private prosecutors na kumatawan sa mga pamilya ng naging biktima ng pamamaril ni Teehankee na sina Maureen Hultman, Roland John Chapman, at Jussi Olavi Leino. Sa tatlong biktima, tanging si Leino lamang ang nabuhay at naging testigo sa pamamaril na naganap noong 1991. Sinabi ni Francisco na ang mga responsable sa pagpapalaya ni Teehankee ay nagkasala ng âgrave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction." Kabilang sa respondents sa petisyon sina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita, Justice Secretary Raul Gonzalez, at mga opisyal ng Board of Pardons and Parole. Hindi umano masikmura ni Francisco ang ginawang paglabag sa Konstitusyon nina Arroyo, Ermita, Gonzales, at mga opisyal ng BPP para mapalaya si Teehankee. Napag-alaman ng GMA News na napanatili ni Francisco pakikipag-ugnayan sa mga Hultman at bahagya naman sa mga Chapman at Leino. âAko ay isa sa private prosecutors na humawak ng kasong ito. Yung pamilya ng Chapman, Hultman, Leino ay sila ay nag-retain ng team of lawyers ⦠private prosecutors. Lima kaming abogadoâ¦and I was working on this case for a long time so pamilyar sa akin itong kasong ito," ayon kay Francisco. May kapangyarihan umano ang Supreme Court sa check-and-balance upang suriin nito ang executive clemency na ipinagkaloob kay Teehankee. âSinasabi ng Saligang Batas natin at ng mga desisyon ng Korte Suprema na hindi nangangahulugan na ang isang Constitutional power na binigay sa Presidente, hindi nangangahulugan na itoây hindi na maaaring suriin ng Korte Suprema kung merong grave abuse of discretion na sa tingin ko ay malinaw dito na inabuso nila ang kanilang kapangyarihan," paggiit ng abogado. Nanindigan naman si Justice Secretary Gonzales na naipatupad na ang kautusan ng presidente at maaari lamang itong bawiin kung nagkaroon ng âfraud ... mathematical error and misapplication of rules." Ayon kay Francisco nilabag ng justice department at BPP ang kanilang mismong patakaran na Amended Guidelines for Recommending Executive Clemency dahil sa inirekomendang executive clemency kay Teehankee. Iginiit nito na hindi kwalipikado si Teehankee na babaan ng sentensya na ginamit na batayan para bigyan ng executive clemency. "There is absolutely nothing to show that the grant of executive clemency to him was with the objective of âpreventing a miscarriage of justice or correcting a manifest injustice," paliwanag niya. Hindi rin umano naibigay ni Teehankee ang civil aspect ng kanyang kaso nang hindi mabayaran ang pamilya Chapman P2,050,000 at pamilya Leino ng P4,148,369.84 at US$55,600. "Teehankeâs refusal to settle his monetary obligations to the family of Roland John Chapman and Jussi Olavi Leino is clearly indicative of lack of remorse and intention to make restitution on his part," nakasaad sa petisyon. Idinagdag pa niya na ang executive clemency na ibinigay kay Teehankee ay, "against the interest of public safety" and "the publicâs right to know." "The publicâs right to know â¦is made more imperative if one is to consider the circumstances under which Teehankee perpetrated the killing of Maureen Hultman and Roland John Chapman and the shooting of Jussi Olavi Leino. It was plain senseless killing and shooting," ayon sa petisyon. âFor the foregoing reasons, in the interest of public safety and for the orderly administration of the criminal justice system, the petitioner is also urging the Supreme Court to issue a writ of preliminary mandatory injunction ordering public respondents, particularly the Bureau of Corrections, to immediately retake custody of Teehankee and recommit him to prison pending adjudication of the instant petition," idinagdag nito. Sa kabila nito, nanindigan si Sec. Gonzales na sa kanyang pagkakaalaman ay tinupad ni Teehankee ang lahat ng obligasyon nito para bayaran na danyos sa mga Chapman at Leino. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular