GMA News Online
Public Affairs

Magsaysay plane crash

December 16, 2008 1:07pm
Episode on December 18, 2008
Thursday night after Saksi


Midnight of March 17, 1957… President Ramon Magsaysay, together with 27 other people, boarded Mt. Pinatubo, the C47 plane that would take them from Cebu to Manila. Thirteen minutes after the take-off, a distress call from the pilots was received by the airport tower in Manila. This was to be the last contact from the presidential plane.

Mutilated bodies and charred parts of the plane were found the morning after at the side of Mt. Manunggal in Balamban, Cebu. President Magsaysay, along with 26 people on board Mt. Pinatubo, died in one of the most shocking plane crash incidents in the Philippines. Only one survived to tell the story.

This Thursday, Kara David retells accounts of the crash that killed President Ramon Magsaysay. What really caused the plane to crash at the side of Mt. Manunggal?

Years after the ill-fated flight, the Magsaysay family still believes that the plane crash was just a mere accident. But there were rumors that a bomb was placed inside the plane and that this was allegedly planned by the US CIA. Is there truth to this theory? Prof. Arnold Azurin explains these allegations.

Under the direction of indie filmmaker Sigrid Bernardo, watch the last 13 minutes of President Magsaysay in this Thursday's episode of Case Unclosed with Kara David, airing right after the late night newscast Saksi.




March 17, 1957… isang aksidente ang gumulantang sa buong sambayanan na babago sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang sinasakyang eroplano ni Presidente Ramon Magsaysay, bumagsak sa Mt. Manunggal sa Balamban sa Cebu labintatlong minuto lang ang lumipas matapos itong makalipad.

Bakit nga ba nag-crash ang eroplanong Mt. Pinatubo? Muling balikan ang mga pangyayari bago naganap ang Magsaysay Plane Crash sa Case Unclosed.

Tinaguriang "Man of the Masses" si Presidente Magsaysay, at nakilala rin na tumapos sa rebelyon ng grupong Hukbalahap. Para sa pamilya Magsaysay, isang malagim na aksidente lang ang nangyari. Ayon naman sa isang aviation expert na si Capt. Soliman, mali ang rutang tinahak ng mga piloto kaya ito ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Pero lumutang ang mga haka-hakang sinadya raw ang pagsabog ng eroplano. Pakinggan mula kay Prof. Arnold Azurin kung bakit ang CIA sa Amerika ang itinuturong salarin sa pagkamatay ni Magsaysay. Totoo nga bang may bomba ang sinakyan niyang eroplano?

Ang huling labintatlong minuto sa eroplano na tumapos sa buhay ni presidente Magsaysay, ipalalabas sa direksyon ni Sigrid Bernardo, ngayong Huwebes ng hatinggabi sa Case Unclosed, kasama si Kara David, pagkatapos ng Saksi.