ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Nakayapak na deboto ng Nazareno pwede sa LRT
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Miyerkules na papayagan nilang sumakay ang mga deboto na walang sapin sa paa para dumalo sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Sinabi ni LRTA Administrator Melquaides "Mel" Robles na luluwagan nila ang patakaran sa âdress code" sa pagsakay sa LRT para sa mga deboto na nais isakatuparan ang kanilang debosyon. âTraffic is expected to be heavy on that day so we are offering our LRT system as a cheap, fast, safe and more convenient alternative to regular transport," pahayag ni Robles. Ngunit mananatili umanong mahigpit ang pagpapatupad ng seguridad sa LRT at magdadagdag ng security personnel at K-9 bomb-sniffing dogs. Maglalagay din ng karagdagang medical personnel sa mga istasyon ng UN Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose at Recto na inaasahang magkakaroon ng mataas na bilang ng mga pasahero. Tinataya ng LRTA na aabot sa 540,000 ang bilang ng mga pasahero sa araw ng pista ng Nazareno. Ilalabas ng simbahan ng Quiapo ang imahen ng Nazareno sa Enero 8 para dalhin sa Luneta. Kinabukasan ay isasagawa ang taunang prosisyon mula sa Luneta pabalik sa simbahan. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular