ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents 'Tagumpay sa Shanghai'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on January 31, 2009 Saturday, 11:30 p.m. The Philippines brought home 53 gold, silver and bronze medals at the most recent Special Olympics in Shanghai, China - a kind of victory the country never experiences in the regular Olympic Games. The Special Olympics is for players with mental disabilities. This Saturday, Sine Totoo presents "Tagumpay sa Shanghai" - Kara David's documentary on the Filipino delegation to these unique games. Sine Totoo host Howie Severino discusses how modern filmmaking technology made the production of this documentary feasible, with only two people shooting - host Kara David herself and her executive producer Lloyd Navera. Filipinos won medals in powerlifting, swimming, track and field, table tennis and badminton at the Special Olympics. The tireless efforts of their parents and coaches resulted in proud moments of achievement for these special athletes, all recorded by David and Navera's cameras. So don't miss "Tagumpay sa Shanghai" and some lessons in camerawork, this Saturday night on Sine Totoo.
Umani ang Pilipinas ng 53 gold, silver at bronze medals sa pinakahuling Special Olympics na ginanap sa Shanghai, China - isang tagumpay na hindi pa natin nakakamit sa regular na Olympic Games. Ang Special Olympics ay para sa mga manlalarong may kapansanan sa pag-iisip. Ngayong Sabado, tampok sa Sine Totoo ang "Tagumpay sa Shanghai" - dokumentaryo ni Kara David ukol sa delegasyon ng Pilipinas sa palarong ito sa Shanghai. Si Kara mismo ang cinematographer ng dokyung ito, kasama ang kanyang executive producer na si Lloyd Navera. Nakilala ni Kara si Malou, isang batang may Down's Syndrome na unang beses pa lamang lumahok sa kompetisyon sa gymnastics. Ayon sa coach ni Malou, sinanay niya ang bata gamit lamang ang isang librong ukol sa gymnastics. Sa kabila nito, nakapag-uwi pa rin si Malou ng tatlong bronze medals na ipinasalubong sa ina nito sa La Union. Nakilala rin niya ang gold medal winning team ng bowling. Sina Roxanne, Anton at Mark ay mga batikan na sa larangang ito. Hindi naging hadlang ang kakulangan nila sa pag-iisip para manalo sa marami nang kompetisyon sa ibang bansa. Bukod sa kanila, marami pang Pinoy ang nanalo sa larangan ng powerlifting, table-tennis, swimming, track and field at badminton. Nagbigay sila ng parangal 'di lang sa ating bansa, kundi lalo na sa kanilang mga pamilya. Nakita ni Kara na pati ang mga magulang at coach ng mga espesyal na atletang ito ay dapat parangalan. Kung 'di dahil sa pagtiyayaga at pagmamahal nila, hindi magkakamit ng ganitong tagumpay ang mga manlalaro. Bago ipalabas ang dokyu, tatalakayin ni Howie Severino ng Sine Totoo kung paano naging posible ang paggawa ng dokumentaryong ito sa tulong ng makabagong teknolohiya at maliliit na mga kamera. Kaya huwag palampasin ang "Tagumpay sa Shanghai" ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular