ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bebe Gandanghari hosts Miss Gay Pangasinan pageant


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines - Hindi nagpahuli si Binibining Bebe Gandanghari sa mga naggagandahan at nagseseksihang kalahok ng 2009 Miss Gay Pangasinan pageant na ginanap sa San Carlos City. Sa ulat ni correspondent Charise Victorio ng GMA-Dagupan, nagpatalbugan ang mga kalahok sa Miss Gay pageant sa pagandahan ng mukha, hubog ng katawan, at kinis ng kutis na bahagi ng ipinagdiriwang na “mango-bamboo" festival sa lungsod. Sa ganda ng mga sumali, maging ang ilang manonood na lalaki ay aminado na sila man ay nabighani sa mga kalahok. Ngunit lalong naging makulay ang gabi nang tawagin si Bebe Gandanghari na nagsilbing special guest sa nasabing paligsahan. Halos hindi matigil ang hiyawan ng mga tao nang tawagin siya at pangasiwaan ang question and answer portion ng patimpalak. Ayon kay Bebe Gandanghari, bilib siya sa mga kalahok hindi lang sa kanilang panlabas na anyo kundi maging sa kanilang talino. “Look at them, they are all intelligent. They all have common sense, I’m very proud of them," pahayag ni Bebe Gandanghari sa "Chika Minute" portion ng "24 Oras" ng GMA News nitong Miyerkules. Natutuwa rin daw siya sa magandang pagtanggap ng mga tao sa San Carlos sa mga katulad niyang nabibilang sa tinatawag na “third sex" sector. Bilang si Bebe Gandanghari, sinabi nito na mayroon siyang misyon na dapat gawin. “We must accept each other uniqueness because in the eyes of God, may kanya-kanya tayong pagkakaiba…sana yun ang matanggap ng mga tao at mainindihan," ayon kay Bebe Gandanghari. - Fidel Jimenez, GMANews.TV