ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
15-anyos na out-of-school youth nabaril ng mga pulis sa Maynila
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang 15-anyos na lalaki ang napatay matapos umanong paputukan ng âsumpak" ang mga rumespondeng pulis sa isang riot sa Tundo, Maynila nitong Miyerkules ng umaga. Ayon kay Senior Police Officer 2 David Tuazon, Manila Police District homicide section, naganap ang insidente dakong 12:10 a.m. sa harap ng Gate 10, Area B, sa Parola Compound sa Tundo. Napatay dahil sa mga tama ng bala sa katawan si Raffy Hayahay, 15-anyos, hindi nag-aaral, at residente ng Area C, Parola Compound. Dinala pa umano ng mga pulis ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Lumitaw sa paunang imbestigasyon na nakatanggap ng impormasyon ang MPD Station 4 tungkol sa nagaganap na riot at barilan ng magkalabang grupo sa Parola. Kaagad umanong rumesponde sa naturang lugar sa Parola sina PO3 Arnel Tubbali at PO2 Dexter Arciaga sakay ng markadong sasakyan ng mga pulis. Inabutan pa umano ng mga pulis ang nagpapalitan ng putok ng magkalabang grupo sa Parola. Nang makita umano ng grupo ni Hayahay ang mga pulis ay ito naman ang kanilang punaputukan gamit ang kanilang âsumpak" (homemade shotgun). Dahil dito ay napilitan umano sina Tabbali at Arciaga na gumanti ng putok at pinapaniwalaang tinamaan nila si Hayahay. Matapos madala sa ospital ang biktima, kusang loob naman sumuko sa kanilang mga nakatataas ang dalawang pulis upang iprisenta ang kanilang sarili sa imbestigasyon. Iginiit nila na idinepensa lang nila ang kanilang sarili, habang patuloy ang imbestigasyon kung bala mula sa mga baril ng pulis ang nakapatay kay Hayahay at hindi sa nakasagupa nitong grupo. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular