ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinay na hinalay raw ng US soldier dapat magpakita ng katibayan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isa na naman umanong Pinay na nagngangalang âVanessa" ang ginahasa ng Amerikanong sundalo habang nasa Pilipinas ngunit duda rito ang Malacanang. Sa press briefing sa Malacanang nitong Huwebes, sinabi ni Deputy presidential spokesperson Lorelei Fajardo na kailangang magpakita ng katibayan si Vanessa para suportahan ang kanyang alegasyon. âThis has been reported more than a month after it had happened and there was no police report. There should have been a police investigation. It's a little difficult to establish facts," paliwanag ni Fajardo. âWe also would like to appeal [to the] media not to make the issue too controversial yet since as of now it's still speculation because there's no case filed yet and you don't have the facts to begin with. We don't even have the name of the person," idinagdag niya. Ayon kay Vanessa, 22-anyos, naganap umano ang pang-aabuso sa kanya noong Abril 19 sa isang five-star hotel sa Makati City. Matapos umano niyang ipaalam sa kanyang pamilya ang nangyari, nagtungo sila sa pulisya at ospital para sa medico-legal examination. Ngunit sa isinagawang press conference sa Quezon City kasama ang militanteng grupo na Gabriela, walang ipinakitang katibayan si Vanessa na susuporta sa kanyang alegasyon ng pang-aabuso. Hindi rin nila tinukoy ang ospital kung saan nagtungo umano ang biktima para magpasuri. Batay sa isang ulat ng news site na Pinoy Weekly, sinabing nagtungo si Vanessa sa National Bureau of Investigation (NBI) alinsunod na rin sa rekomendasyon umano ng isang duktor sa Makati. Sa panayam ng GMANews.TV, kinumpirma ng isang impormante sa NBI na humiling huwag banggitin ang pangalan, na may babaeng nagtungo at nagpasuri sa ahensiya noong Abril 19 na kapangalan ng tunay na pangalan ni Vanessa. Tumanggi naman si Gabriela Secretary General Emmi de Jesus na kumpirmahin kung ang babaeng nagtungo sa NBI at si Vanessa ay iisang babae. Nais umanong limitahan muna nila ang detalye sa katauhan ni Vanessa para protektahan ang biktima. Idinagdag ni De Jesus na hindi pa nila alam kung magsasampa ng kaso si Vanessa dahil natatakot umano ito na matulad sa sinapit ni Suzette âNicole" Nicolas â na hinalay umano ng napalayang si US marine Lance Cpl. Daniel Smith. Tiniyak naman ni Fajardo na susuportahan ng gobyerno si Vanessa kung magdedesisyon itong magsampa ng kaso sa US soldier na umabuso sa kanya. âIf she would file a case the government would be ready to give her assistance and support her. This rape case is despicable, we should also condemn it, but I think it would be premature for us to say that there is really a case as of now because no case has been filed in court," ayon kay Fajardo. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular