ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng asawa ni Failon ilalabas na
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ilalabas na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Huwebes ang resulta ng ginawa nilang imbestigasyon sa pagkamatay ni Trinidad âTrina" Etong, asawa ng sikat na brodkaster na si Teodoro âTed" Failon. Mismong si NBI director Nestor Mantaring ang maghahayag sa resulta ng imbestigasyon sa isasagawang press briefing sa Huwebes. âI will announce officially the result of the findings of the NBI," ayon kay Mantaring nang makapanayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules. Si Etong ay nakitang duguan at may tama ng bala sa ulo sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong Abril 15. Mismong si Failon ang nagsugod sa kabiyak sa New Era General Hospital kung saan ito binawian ng buhay pagkaraan ng isang araw. Sinabi ni Failon na nagpakamatay ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang baril ng brodkaster. Ngunit may pagdududa ang mga imbestigador ng Quezon City Police District dahil nilinis ng mga kasambahay ni Failon ang lugar kung saan nagbaril umano ang biktima, pati ang sasakyan na ginamit para madala ito sa ospital. Paliwanag ng kampo ni Failon, nilinis ng mga kasambahay ang pinangyarihan ng insidente upang hindi na makita ng anak nila ang dugo ng ina. Dahil dito, kinasuhan ng pulisya si Failon at mga kasambahay nito ng obstruction of justice na ibinasura naman ng Quezon City Prosecutors Office. Bunga ng sigalot sa paghawak ng QCPD sa kaso ni Etong, nagdesisyon ang pamahalaan na ipaubaya sa NBI ang pagsisiyasat kung sadyang nagpakamatay ang biktima. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular