ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Alec Baldwin 'ban' sa RP kahit nag-sorry
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hindi makatatapak sa Pilipinas ang Hollywood actor na si Alec Baldwin matapos siyang ilagay sa listahan ng mga âundesirable alien" ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa nakaiinsulto nitong pahayag sa mga Pinay. Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan na naka-âblacklist" na si Baldwin kaya hindi na ito papapasukin sa Pilipinas. "By being in the bureauâs blacklist, Baldwin is forbidden from entering the country as he is deemed an undesirable alien," paliwanag ng opisyal. Inilabas ni Libanan ang desisyon na iâban si Baldwin sa Pilipinas isang araw matapos humingi naman ng paumanhin ang dayuhang aktor sa mga nasaktan sa kanyang sinabi. "I apologize for the perceived insensitivity of that remark," nakasaad sa blog ni Baldwin sa Huffington Post website. Nag-ugat ang kontrobersiya sa sikat na programa ni David Letterman sa "Late Show" noong Mayo 12, nang sabihin ng 51-anyos na si Baldwin na pinag-iisipan niyang kumuha ng asawang Filipina sa âmail-order bride." "I think about getting a Filipino mail-order bride at this point or a Russian one, I donât care, Iâm 51," pahayag ni Baldwin sa programa. Idinagdag ng aktor na ang pahayag niya ay isang biro ngunit nauunawaan niya ang pagiging sensitibo ng mga Pinoy sa usapin ng mail-order-bride dahil kabilang ang Pilipinas sa may mataas na insidente ng human trafficking sa mundo. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular