Bantay A(H1N1): Walang bagong kaso sa RP; 262 tinamaan ng virus magaling na
MANILA – Nakapagpahinga nitong Biyernes ang Department of Health sa pagbibilang ng bagong kaso ng Influenza A(H1N1) matapos walang naitalang bagong kaso ng tinamaan ng virus sa bansa.
Sa halip na bagong kaso, bilang ng mga gumaling na pasyente sa virus ang iprinesenta ni Health Secretary Francisco Duque III sa media.
Sa kabuuang 344 kumpirmadong kaso ng A(H1N1), sinabi ni Duque na 262 sa mga ito ang gumaling na. Dahil dito, bumaba sa 82 kaso ang binabantayan na lamang ng DOH nitong Biyernes.
Maganda balita rin umano na nananatiling “mild" ang mga kasong naiulat sa bansa at wala pang kaso ng namatay na pasyenteng dahil sa virus.
Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ni Duque ang publiko na mag-ingat.
"We should continue to be vigilant as we, in the government, continue to monitor if there are any changes in its trends and patterns," pahayag ng kalihim.
Ayon kay Duque, 68 porsyento ng mga pasyente ng A(H1N1) ay galing sa Metro Manila o National Capital Region (NCR). May 45 kaso naman ng virus sa Central Luzon (Region 3); at 31 kaso sa Calabarzon (Region IV-A).
Ang mga kaso ng A(H1N1) sa Metro Manila ay nasa Quezon City (81 kaso); Maynila (44); Parañaque (21) at Makati (15).
Karamihan din umano ng pasyente ay lalaki na nasa edad 15 hanggang 24.
Idinagdag ni Duque na 305 sa mga pasyente ay mga Filipino.
"The rest are Japanese (6), American (4), Australia (1), China (1), India (1), Iran (1), Korea (1) and Sweden (1). The remaining 22 did not specify their nationality," ayon sa kalihim.
Lumitaw rin na 101 sa mga pasyente ay lumabas ng Pilipinas at nagpunta sa mga bansa na may kumpirmadong kaso ng A(H1N1) tulad ng United States, Japan at China.
Bagaman walang naitalang bagong kaso ng A(H1N1) sa Pilipinas nitong Biyernes, sinabi ni Duque na tumaas naman sa 12 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na tinamaan ng virus.
Sa listahan ng World Health Organization, umabot na sa 39,620 ang tinamaan ng A(H1N1) sa 88 bansa, kung saan 167 ang naitalang namatay dahil sa sakit.
Kabilang sa mga bansa na nadagdag sa listahan ng may kumpirmadong kaso ng virus ay ang Bermuda, British Virgin Islands, France French Polynesia, France Martinique, Jordan, Netherlands Curacao, Qatar, Samoa, Sri Lanka, UK Isle of Man, UK Jersey at Yemen. - GMANews.TV

advertisement
advertisement
advertisement