ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Hahamon kay Gng Arroyo sa Pampanga suportado ng oposisyon
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Handang suportahan ng Liberal Party si Professor Randy David kapag tumakbo itong kongresista sa Pampanga para labanan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung matutuloy ang pagkandidato ng huli sa 2010 elections. Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi Sen. Manuel Roxas II, presidente ng LP, na gagawin nilang kandidato ng partido si David bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga kapag nangyari ang paghaharap nina âDavid at Glorialath." âMagandang ideya iyan. Hindi mag-aatubili ang liderato ng LP na gawing official candidate si Prof. Randy David para kalabanin si GMA (Arroyo) sa Pampanga," ayon sa senador. Una rito, sinabi ni David na seryoso niyang ikinukonsidera na tumakbong kongresista kapag tinutotoo ni Arroyo ang mga ulat na kakandidato ito sa Pampanga. "Nakakahiya naman yata ang mga Kapampangan kung walang ni isang hahamon, tatayo at hahadlang sa kanyang mga balakin," pahayag ni David sa panayam ng GMA News. Sinabing bahagi ng plano na manatili sa kapangyarihan ni Arroyo bilang prime minister ang pagtakbo nitong kongresista kung matutuloy ang pag-amyenda sa Konstitusyon at gawing parliamentary system ang pamamalakad sa gobyerno.
Nakakahiya naman yata ang mga Kapampangan kung walang ni isang hahamon, tatayo at hahadlang sa kanyang mga balakin 
â Prof. Randy David
Maging si Sen Francis Pangilinan na madalas kontra sa paniniwala ng kanyang kapartidong si Roxas ay nagpahayag ng pakikiisa sa pagsuporta kay David. âAs a fellow Cabalen, we welcome all efforts at providing real alternatives to politics as usual," ayon kay Pangilinan. âThis will be a fight between David and âGlorialathâ; a fight between the politics of genuine change, and the politics of âmore of the sameâ." Magiging malaki umanong hamon ang 2010 elections sa mga botante na naghahanap ng alternatibong paraan para mawala ang political patronage at popularidad bilang armas para manalo sa halalan. âItâs time for more of our people to step up and challenge traditional politics. Trapo politics and governance have not brought us anywhere near the progress achieved by so many of our ASEAN neighbors. With all due respect, PGMA represents more of the same, and relative to the rest of the regionâs economic growths, more of the same has not worked," ayon kay Pangilinan. Itinuturing naman ng Malacanang na mismatch kung si David lang ang itatapat kay Arroyo dahil sa dami umano ng nagawa ng pangulo sa lalawigan. - GMANews.TV
Nakakahiya naman yata ang mga Kapampangan kung walang ni isang hahamon, tatayo at hahadlang sa kanyang mga balakin 
More Videos
Most Popular