Bantay A(H1N1): 95% ng 2,668 kaso ng virus gumaling na - DOH
MANILA – Umabot na sa 2,600 ang kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) sa Pilipinas kung saan 95 porsiyento ng mga nagkasakit ay gumaling na, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.
Mula noong nakaraang linggo, inihayag ng DOH Influenza A(H1N1) hotline, na halos isang libo ang nadagdag sa kumpirmadong kaso ng mahinang uri ng virus.
Bagaman mabilis pa rin ang pagkalat ng virus, sinabi ni Dr. Yolanda Oliveros, director ng DOH-Center for Disease Prevention and Control, na hindi dapat mabahala ang publiko dahil halos lahat ng tinamaan ng virus ay gumaling na.
"Almost 95% of these cases (2,543 cases) have already recovered since majority of them are just mild cases of Influenza A(H1N1)," pahayag ni Oliveros sa GMANews.TV sa panayam sa telepono.
Idinagdag ng opisyal na posibleng ito na rin ang huling pag-uulat na gagawin ng DOH sa bilang ng mga tinatamaan ng virus sa Pilipinas. Batay umano ito sa ipinalabas na rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) tungkol sa pag-uulat ng kaso ng A(H1N1).
Nakasaad umano sa rekomendasyon ng WHO na hindi na kailangang maglabas ng regular na pag-uulat sa bilang ng mga tinamaan ng virus ang mga bansa na laganap na ang A(H1N1).
"Even though the manner of reporting may change, the public should still observe preventive measures to prevent the further spread of the virus," payo ni Oliveros.
Sa kabila ng bagong direktiba ng WHO, tiniyak ni Oliveros na patuloy na babantayan ng DOH ang mga tinatawag na “high risk" patient na posibleng tamaan ng virus.
"We will still closely monitor high risk patients like pregnant women and patients with preexisting medical conditions. Hindi na nga lang lahat ng cases irereport pa natin sa WHO," paliwanag niya.
Una rito, pinuri ng WHO ang Pilipinas dahil sa mahusay umanong pagharap ng bansa sa pagkalat ng A(H1N1) virus.
Sa sulat na ipinadala kay Health Secretary Francisco Duque III na may petsang June 30, 2009, ipinaabot ni WHO Regional Director Dr. Shin Young-soo, ang magandang ugnayan ng bansa at WHO laban sa bagong uri ng virus.
"The efficiency of the response indicated to me that the Philippines has the fundamental capacity to detect and respond to the new influenza virus," ayon kay Shin.
Ibinalik naman ni Duque sa WHO ang pasasalamat sa pagkilala sa pamahalaan.
"We appreciate that the WHO finds our response efficient and that it is confident on the quality of our laboratory diagnoses. We are very grateful that our efforts were recognized and didn't go to waste," ayon sa kalihim sa isang pahayag. - GMANews.TV

advertisement
advertisement
advertisement