GMA News Online
Public Affairs
»
Imbestigador

Imbestigador

Haunted by worms

August 7, 2009 3:53pm
Airing on August 8, 2009
Saturday, 10 PM after Kapuso Mo, Jessica Soho



Sumbungan ng Bayan is now online. Just log on to imbestigador.tv

Worms in food, used for extortion?

Worms in the fried tilapia. This is the complaint received by employees of Aling Lucing’s Sisig from their customer. According to Teresa and her daughter Celeste, they saw with their own eyes that the worms crawled from the food served them. They even caught it on video and took pictures of it. But according to the owner, the mother and daughter were demanding P50,000 as compensation. If the owner will not give in to their demand, they will then release the video to the internet and the media.

For fear of ruining her business’ reputation, the owner decided to meet up with the duo to ransom the so-called evidence. But in their meet-up, operatives of the NBI are already on watch. Cameras of Imbestigador are also focused on the exchange.

Who will be the hero and the villain in this story? Who will be charged between them? Will Aling Lucing’s restaurant pass the sanitation inspection of City hall? Is there real basis for the complaints? What is the truth behind the claims of extortion by the owner?

Don’t miss the answers as Mike Enqriquez delivers another expose in Imbestigador this Saturday evening after Kapuso Mo Jessica Soho on GMA.

Other Stories to be Investigated

Retail LPG

Fifty pesos per kilo. Rusty and old cylinder tanks. Overlapping hoses from large tanks to the small cylinders. This retail LPG trade was recently dicovered and exposed by Imbestigador . Aside from being illegal, business is also dangerous according to the Department of Energy. Supposedly, the refills should come from the plants. Imbestigador and DOE will conduct joint action against this very dangerous trade.

Child Masseurs Rescued

A suspicious fitness and health spa was spotted by Imbestigador. Their masseur is in an aquarium-like room and is offering more than massage services. But according to information gathered by Imbestigador, there are minors forced to work there. Will these minors be rescued from this unfortunate fate?


Ang inyong Sumbungan ng Bayan ay online na rin sa imbestigador.tv


Uod sa pagkain, ginamit sa pangingikil?

May nakita raw na uod sa inorder na pritong tilapia. Ito ang reklamong natanggap ng empleyado ng Aling Lucing’s Sisig mula sa kanilang kustomer. Ayon sa mag-inang Teresa at Celeste, kitang-kita nilang galing sa kinakain na ulam ang uod. Kinunan pa nila ito ng video at litrato. Pero reklamo naman ng may-ari ng kainan, nanghihingi raw ng P50,000 na danyos ang mag-ina! Kung hindi raw ibibigay ng may-ari ang hinihinging halaga, ilalabas daw sa internet at media ang mga tinutukoy ng mag-ina na ebidensiya.

Sa takot ng may-ari na masira ang pangalan ng kanyang negosyo, nagpasya siyang makipagkita sa mag-ina para makipagpalitan ng pera sa sinasabing ebidensiya. Pero sa kanilang pagkikita, nakabantay na ang mga operatiba ng NBI. Nag-iimbestiga na rin at nakatutok na ang kamera ng Imbestigador!

Sino ang magiging bida at kontrabida sa istoryang ito? Kaninong reklamo ang papanigan ng batas at sino ang makakasuhan? Papasa kaya sa inspeksyon ng sanitation department ng cityhall ang Aling Lucing’s? May basehan nga ba ang reklamo ng mag-ina? Ano ang katotohanan sa pangingikil na ibinibintang ng may-ari ng kainan?

Huwag palalampasin ang mga kasagutan sa pagbubulgar ni Mike Enriquez sa Imbestigador ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA.

Ibang Istoryang Iimbestigahan


Tingi-tinging LPG

Limampung piso kada kilo. Kalawangin at luma ang mga tangke o silindro. Sala-salabat ang mga hose na pang-refill mula sa malaking tangke papunta sa maliliit na silindro. Ito ang nabisto ng Imbestigador na tingi-tinging pagbebenta ng LPG. Peligroso ang gawaing ito kaya hindi inaaprubahan ng Department of Energy. Dapat mula mismo sa planta ang pagrefill at hindi isinasalin-salin sa maliliit na tangke. Kaya magkasamang aaksyon ang Imbestigador at DOE laban sa peligrosong negosyo.

Mga Batang Masahista Sasagipin

May kaduda- dudang fitness and health spa na natuklasan ang Imbestigador sa Sta. Cruz, Manila. Ang kanilang mga masahista nasa loob ng kuwartong tila aquarium, at higit pa sa masahe ang ibinibigay nila. Pero sa impormasyong nakarating sa Imbestigador, may mga menor de edad palang pinagtatrabaho at inaalok sa mga kustomer. Masagip pa kaya mula sa kinasadlakang trabaho?



Imbestigador on Facebook
Imbestigador on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement