ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ilang botikang malapit sa DOH ‘di sinunod ang price cut sa gamot
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inamin ng isang opisyal ng Department of Health na may mga botikang malapit mismo sa tanggapan ng kagawaran sa Maynila ang hindi sumusunod sa kautusan ng pamahalaan na bawasan ng hanggang 50 porsiyento ang presyo ng ilang piling gamot. Ang price cut na mula 10 hanggang 50 porsiyento sa may 21 uri ng tinatawag na âlife saving drugs" ay kabilang sa mga inirekomenda ng DOH alinsunod sa ipinasang Republic Act 9502 o mas kilala sa tawag na Cheaper Medicines Act. Sa panayam sa talebisyon nitong Huwebes, sinabi ni DOH Undersecretary Alex Padilla na posibleng taktika ng mga botika at ospital ang hindi magbaba ng presyo ng gamot upang makalusot sa price cut na sinimulang ipatupad noong Agosto 15. âIt could be one way of circumventing the law. Sasabihin wala âyung gamot sa ospital bibili dun sa tabing botika at bibilin nila sa presyo na mahal," ayon sa opisyal. Una rito, apat na botika ang pinagpapaliwanag ng DOH dahil sa kabiguang sundin ang price cut sa gamot na itinuturing paglabag sa Maximum Drug Retail Price (MDRP) na ipinalabas ng Malacanang. Ang mga botika ay ang Stardust Drug and Medical Supplies Corporation, Cheer-Up Drug Store, Sunburst Drug Corporation sa Rizal Avenue na nasa harapan ng Department of Health, at South Star Drug sa Matalino Street, Diliman, Quezon City. Inatasan ng Health Secretary Francisco Duque III ang mga botika na magpaliwang sa loob ng 72 oras. Nanawagan si Duque sa mga botika at maging sa mga ospital na sundin ang nakasaad sa batas. Inaasahan na 100 porsiyentong maipapatupad ang MDRP sa Setyembre 15 na siyang palugid na ibinigay sa mga maliliit na botika. Nilinaw naman ni Padilla na tanging mga botika na malayo sa mga ospital ang sakop ng pinalawig na Sept. 15 deadline. Hinikayat naman ni Duque na isumbong sa DOH (telephone no. 807-0751 o 807-8275) ang mga botika na hindi sumusunod sa RA 9502. - GMANews.TV
Tags: cheapermedicineact
More Videos
Most Popular