ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP: 'Angelina' denies Ogie-Regine ‘secret wedding’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nag-celebrate ng kanyang "7th birthday" si âAngelinaâ (Ogie Alcasid) sa Gerry's Grill, Tomas Morato last Tuesday na dinaluhan ng kanyang âYayaâ (Michael V) at mga magulang na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana. Present din sa nasabing party ang mga big boss ng GMA Films at APT Films na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Mr. Tony Tuviera. But in real lifer, Ogie just celebrated his 42nd birthday last August 27 kaya ang press conference ng latest movie niya with Michael V na Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie), ay naging children's party. Siyempre, naki-join sa party ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press. Nakapambatang pink gown si Ogie (a.k.a Angelina) all throughout the party at in character siya kahit sa pagsagot sa mga tanong ng press. Ano ba ang wish ni Angelina sa birthday niya ngayon? "Pinaka-wish ko talaga, itong movie na maging blockbuster. Para magsunod pa yung movie namin ni Yaya. Kasi, napagod kami rito...napagod," sabi niya. Ito na ang third consecutive movie ni Ogie na kundi babae ay nagpapanggap na babae ang role niyaâuna sa Desperadas 2 at sa OMG! (Oh, My Girl!). Ayon kay Angelina: "Nagkataon lang na magkasunod na movie, in character, pero ito naman pambata naman ito. Siyempre po, pasalamat kami sa mga bosses ng GMA Films at APT Films sa tiwala na ibinigay nila kina Yaya and Angelina. Ang saya-saya namin every day, lalo na sa set. Umabot yata kami ng 17 days, pero ang saya-saya naming. Kahit na umuulan, ang saya-saya namin!" For this year, last movie na raw muna ni Ogie ang Yaya and Angelina, at bilang babae. "Last movie muna ni Ogie ito. Siguro next year, lalaki naman siya o kaya bayawak!" pabiro nitong dagdag. Biro pa ni Angelina, nakakasawa na ang Yaya niya dahil four days a week niya itong kasama. Bukod kasi sa pelikula nila, magkasama rin sila sa game show na Hole In The Wall at sa gag show na Bubble Gang, kung saan nagsimula ang characters nila ni Michael V. "Pero every day is enjoyable naman," sabi ni Angelina. Mas marami pa bang makikita at mapapanood sa kanila ang mga tao kahit halos araw-raw na silang napapanood sa TV? "Marami!" sagot ni Angelina. "Kung ano ang napapanood n'yo sa TV, sa Bubble Gang, sa Hole in the Wall, ibang-iba ito. Siyempre, mas pinalaki. Mas malaki ang istorya. Tapos siyempre, nakakatawa talaga." Ipapanood ba ni Ogie sa kanyang dalawang anak na sina Leila and Sarah ang bago niyang movie? "Oo naman. At saka ito, kapag ipinapanood ni Ogie sa kanyang mga anak, talagang worth it. Kasi, una, nag-i-English-English naman si Angelina. Pangalawa, talagang nakakatawa sa bata ito. Hindi siya bastos. Nakakatawa talaga sa bata," tugon ni Angelina. REGINE AS ANGELINA'S YAYA. Hindi ba naiisip ni Angelina na magpalit na lang ng Yaya? "Ayaw ko! Kasi, madaling lokohin si Yaya! Hindi siya napipikon, e!" natatawang sabi ni Angelina. Si Regine Velasquez ba, hindi niya type kuning yaya? "Bakit, magaling ba yung mag-alaga ng bata? Hindi ko alam. Tanong n'yo kay Ogie," hirit pilyang bata. Hindi na niya naitatanong kay Ogie? "Hindi pa. Pero sa tingin ko, mukhang magaling mag-alaga yung Regine kay Ogie. Kasi si Ogie, parang ang pogi-pogi ngayon!" sabi ni Angelina. Nang sabihan si Angelina na patutulugin siya ni Regine sa pagkanta ng, "And I Love You So?," sinabi nito na gusto niya ang ganoong klase ng yaya. Pero totoo bang aalis sina Ogie at Regine sa November papuntang Australia? "Aba, ewan ko! Bakit sa akin n'yo itinatanong?" tawa ni Angelina. "Oo, aalis sila, pero hindi pa confirmed!" dagdag nito nang muling kulitin. "Oo, November... November, aalis sila. Siguro mga two weeks, bakasyon na rin, ganyan. Kasi alam ko, matagal silang hindi nagbakasyon, so magbakasyon muna sila," kwento niya. OGIE-REGINE WEDDING? Alam ba ni Angelina kung ano ang ireregalo ni Ogie sa kasal ng kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren? "Meron naman, pero, secret daw. Kasi, secret," ayon kay Angelina. Nang tanungin naman siya kung bakit sinabi ni Michelle na magpapakasal na raw sina Ogie at Regine, tugon ni Angelina: "Sinabi niya yun? Hindi, yun lang ang wish niya siguro. Alam naman ng lahat na may kailangan pang ayusin si Ogie. Siguro yun ang wish ni Michelle sa kanilang dalawa, na ang cute naman, di ba?" Sa SOP noong Linggo, nagbiro rin ang daddy ni Ogie na si Mr. Herminio Alcasid kung kailan daw darating si "Herminio III." Ano ang reaksiyon niya rito sa Herminio Alcasid Jr. ang pangalan? "Yun lang ang parang minimithi ng lolo. Tuloy, natsismis na parang buntis si Regine, pero hindi naman," ayon kay Angelina. Pero darating na ba si Herminio III? "E, hindi pa natin yun puwedeng pag-usapan. Kasi nga, si Ogie, may inaayos pa," sagot uli ni Angelina. How true naman ang balita na nagpa-secret wedding na raw sina Ogie at Regine? "Paano naman mangyari yun, e, hindi pa nga ayos? Nag-date lang sila bago mag-birthday... Ano ba yun, asalto. Akala siguro 'kasal to,' pero asalto lang!" depensa ni Angelina. Naiintindihan naman ni Regine na sa kanilang dalawa, si Ogie ang hindi pa handang magpakasal. "E, wala rin namang puwedeng pilitin, di ba? Kailangan talagang ayusin. Pero alam mo, nagmamahalan nang tunay ang dalawa kaya yun ang maganda," idinagdag nito. - Rose Garcia, PEP More Videos
Most Popular