ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maricris Garcia gets daring in La Diva's new MTV


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Para sa ikagaganda ng bagong music video ng grupong La Diva, sinabing nagpaka-daring ang miyembro nitong si Maricris Garcia. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na lalo raw pinagbutihan ng grupo ang kanilang pag-awit mula nang mabigyan ng pagkakataon na kumanta sa laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto sa Las Vegas kamakailan. Sa MTV ng bagong single ng La Diva na “Kasiping," malayo sa dating imahe ni Maricris na pa-sweet ang makikita ng kanilang mga fans. Pag-amin ng dalaga, sobra siyang kinabahan nang gawin ang mga eksena sa MTV. Bukod kasi sa love scene, may sexy scene na ginawa si Maricis sa swimming pool. “Kinakabahan po ako kasi hindi naman namin usual na ginagawa ‘yon, nagulat din ako na ‘yon yung gagawin ko," kuwento niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Full support naman kay Maricris ang kanyang ka-grupo na sina Jonalyn Viray at Aicelle Santos. Katunayan, hindi raw iniwan nina Jonalyn at Aicelle ang kanilang kaibigan habang kinukunan ang mga sexy at love scenes nito. “Sabi nila o Maricris sa’yo na ‘tong scene na ‘to go," sambit ni Jonalyn
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag naman ni Aicelle na malaki ang tiwala nila sa produksiyon na hindi pababayaan si Maricris lalo na si Direk Louie Ignacio. Maipagmamalaki rin ang MTV na ginawa ni Direk Louie dahil ginamit rito ang red camera, isang high tech na camera na ginagamit sa Hollywood para maging glossy ng dating ng mga eksena. Nang tanungin si Maricris na start na ba ito ng tuluyang niyang pagpapa-seksi, sagot ng magandang singer, “Siyempre for the sake of the video para sa ikagaganda siyempre, trabaho lang naman din ito." - Fidel Jimenez, GMANews.TV