ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pista ng Nazareno: 2 deboto nasawi sa prusisyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Dalawang tao ang nasawi, at mahigit 300 iba pa na sumama sa prusisyon ng Itim na Nazareno ang binigyan ng paunang lunas kaugnay sa selebrasyon ng kapistahan ng pinapaniwalaang milagrosong imahen nitong Sabado. Kinilala ni Gwen Pang, secretary general ng Philippine National Red Cross (PNRC), ang mga nasawi na sina Rodrigo Ocampo, 42-anyos; at Bernardo Basilio, 40-anyos. Pinapaniwalaang inatake sa puso si Ocampo, residente ng Zobel, Makati City, habang nasa prusisyon. Isinugod siya sa Ospital ng Maynila kung saan siya pumanaw dakong 11:30 a.m. Sinimulang ibiyahe ang imahen na nakasakay sa karosa na hinahatak ng mga deboto mula sa Luneta dakong 8 am, pabalik sa simbahan ng Quiapo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, si Basilio ay pumanaw sa Jose Reyes Memorial Hospital. Ngunit ayaw kay Pang, ang komite lamang na binuo ng Simbahang Katoliko ang siyang magsasabi kung may kinalaman ang pagkamatay nila sa parada ng Nazareno. Nilapatan ng lunas Batay sa ulat na nakuha ng PNRC sa kanilang anim na health station na inilagay sa mga lugar ng dadaanan ng Nazareno, dakong 3:50 p.m. ay umabot na sa 350 tao ang binigyan nila ng paunang lunas. Ayon kay Pang, karamihan sa mga ito ay nagtamo ng sugat sa paa, o kaya ay nakaramdam ng pagkahilo. Tinatayang umabot sa isang milyong deboto ang dumalo sa taunang prusisyon. Ang mga first aid at health stations ng PNRC ay ang: Rizal team, sa Muelle del Banco National sa paanan ng Mc Arthur Bridge (Sta. Cruz bridge) Escolta area; Quezon City at National Headquarters (NHQ) team, sa Prudential Bank (Sta. Cruz); Valenzuela team, sa Carriedo Sta. Cruz; Manila at NHQ team, sa Quiapo Church (711/City State); at Emergency Response Unit (WaSar) team, sa ilalim ng Mc Arthur Bridge sa Binondo. Dahil sa inaasahang dami ng tao na dadalo sa prusisyon, nagpakalat umano ang PNRC ng 250 first aid volunteers at 20 health experts para tumingin sa pangangailangan ng mga deboto. Sampung ambulansiya rin ng PNRC ang nasa Maynila sakaling kailanganin ang mga ito. - GMANews.TV