Marian Rivera, Karylle together in one event
Nagkasama sa isang event nitong Huwebes sina Marian Rivera at Karylle. Nagpansinan kaya ang present at ex-girlfriend ng Kapuso hunk na si Dingdong Dantes?
Kapwa nasa Trinoma Mall sa Quezon City sina Marian at Karylle kaugnay sa ginanap na awarding para sa most outstanding taxpayers ng Mandaluyong City.
Ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas, nasa naturang pagtitipon si Marian dahil kabilang siya sa mga awardee, habang si Karylle naman ay nag-perform para sa mga guest.
Habang ini-interview ng GMA News si Karylle dumaan sa likod niya si Marian.
Pahayag ni Karylle, matagal na ang isyu tungkol sa kanila ni Dingdong at tahimik na ang buhay niya ngayon.
Ang posisyong ito ni Karylle ay sinundan naman ni Marian na kababalik lang sa bansa mula sa Madrid, Spain kasama si Dingdong.
“Mismong sa kanya na nanggaling na matagal ng isyu na ‘yan. I’m sure naman maligaya na siya sa buhay n’ya at ako naman masasabi ko na mas maligaya ako sa buhay ko," ayon sa Darna ng Kapuso Network.
“Wala akong atraso sa kanya at haharap ako sa kanya," pahabol ni Marian.
Ang naturang insidente ay patunay lamang umano na maliit ang mundo sa showbiz, ayon kay Dingdong.
“Ganun talaga maliit ang industriya natin. One way or another e magkikita at magkikita ang mga tao," pahayag ng aktor.
Nagkuwento rin si Dingdong tungkol sa ginawang pagpunta nila ni Marian sa Madrid para bisitahin ang ama ng dalaga.
Totoo bang namanhikan na ang aktor?
“Wala, walang ganun. Yung trip na yun mainly focus on pagkikita nila, siyempre father niya (Marian)," paliwanag ni Dingdong.
Sinabi sa ulat na tiniyak nina Dingdong at Marian na isi-share nila sa kanilang fans ang mga larawan sa ginawa nilang importanteng trip. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement