Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

PEP: Ogie Alcasid confirms SOP 's final episode on Feb. 28

February 24, 2010 3:37pm
Mula sa taping niya sa GMA-7 sitcom na Show Me Da Manny, dumiretso ang singer-comedian na si Ogie Alcasid sa 10th anniversary party ng YES! magazine na ginanap sa NBC Tent sa Global City last Tuesday, February 23.

Hindi rin naman nagkait si Ogie ng ilang sandali na makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na dumalo sa bonggang anniversary ng YES!. Siyempre pa, ang tungkol sa napapabalitang offer raw sa kanyang lumipat sa TV5 ang unang inusisa kay Ogie.

Kung sa huling interview ng PEP kay Ogie ay nagpahiwatig siya na mas malamang na manatili siyang Kapuso, kagabi ay may katiyakan na ang sagot niya.

"Well, si Manny Pangilinan is very close to me. I'm very close to TV5 and to MVP [bansag sa top honcho ng TV5]. Pero siyempre, GMA is in my heart, always, di ba?" pag-amin niya.

Hindi naman itinanggi ni Ogie na nakipag-usap siyang talaga sa presidente ng TV5.

"Nakipag-usap ako. I just wanted to hear," sabi niya.

Ano ang naging deciding factor kung bakit pinili pa rin niyang maging isang Kapuso?

"Siyempre, nandyan pa rin ang Bubble Gang. Nandiyan ang bago naming show. Nandiyan ang Hole in the Wall [his game show with Michael V] and mahirap iwanan nang ganung basta-basta," paliwanag ni Ogie.

May balitang triple raw ang naging counteroffer ng GMA-7 sa offer ng TV5 huwag lang siyang lumipat? Totoo ba ito?

Nangiti si Ogie sabay sabing, "Wala namang kinalaman ang pera dun. It's just that kailangan ko rin ayusin ang SOP, di ba?"

Pero totoo bang may counteroffer ang GMA-7 sa kanya?

"Hindi counteroffer yun," paglilinaw niya. "At saka, hindi pera ang basehan. As of now, to be honest, wala pa akong pinipirmahan. Pero palagay ko naman, wala nang mababago."

Ang girlfriend ni Ogie na si Regine Velasquez ay isa rin sa napabalitang lilipat sa TV5. Pero tiyak na ring mananatiling Kapuso si Regine lalo na't magsisimula nang ipalabas sa March 1 ang bagong primetime series niya sa GMA-7, ang Diva.

Isa ba si Regine sa main consideration ni Ogie sa hindi pag-accept ng offer ng TV5?

"I can't speak for Regine kasi ako lang talaga ang kausap ng TV5. Hindi ko alam...wala naman din na ganun. Kahit na nasa Channel 37 ako, walang kinalaman yun. Ang nagbubuklod lang sa amin ay ang aming mga puso!" natatawa niyang sabi.

CURTAIN CALL FOR SOP. Mabilis at walang gatol naman na kinumpirma ni Ogie na totoo ang mga lumalabas na balita, at nasulat na rin sa PEP Alerts, na hanggang sa Linggo, February 28, ang SOP, ang kinabibilangan niyang Sunday musical-variety show sa GMA-7.

"Yes, it's true," pagkumpirma ni Ogie. "Magpapahinga na muna ang aming Sunday variety show after 14 years, 13 years... So, abangan n'yo na lang ang susunod na mangyayari."

May kapalit naman daw na show ang SOP at kasama pa rin siya dito, hindi lang bilang host kundi bilang isa ring consultant.

"Well, I will be part of it. Nagmi-meet-meet na kami. It took us six years before na mag-rate ng mataas. Ngayon, talo na kami," pag-amin ni Ogie.

Anong pakiramdam niya na nauwi rin sa ganito ang SOP?

"That's part of life and ganun ang buhay, di ba? It's a cycle. May mga panahon na kailangang mag-struggle ka. May panahon na nasa itaas ka. So ako, I'm excited. I'm very challenged. Ganun ang buhay, di ba? Everytime na may trials, panindigan mo yun, di ba?" saad niya.

"Secret," naman ang naging sagot ni Ogie kung may ideya ba siya kung kailan ieere ang papalit na show sa SOP. Pero napag-alaman ng PEP na sa March 21 magsisimula ang bago nilang show at Party Pilipinas ang magiging title nito. - Rose Garcia, PEP