GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Jennylyn Mercado denies 'stalking' Gerald Anderson

March 2, 2010 9:07pm

Hindi itinago ni Jennylyn Mercado ang inis kaugnay sa napaulat na nakita umano siyang nakaistambay sa labas ng bahay ng aktor na si Gerald Anderson.

Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, iginiit ng young actress na mas gugustuhin pa niyang mag-alaga ng baby niya kaysa umistambay.

“Tambay bakit? Unang-una bakit ako tatambay, enong meron? Kumbaga mag-aalaga na lang ako ng baby ko kaysa tumabay ako ‘di ba," pahayag ni Jen sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.




Idinagdag ng Kapuso star na marami siyang trabaho kaya wala siyang panahon na umistambay.

Paliwanag ng aktres, iisa ang village nila ni Gerald at posibleng may nagbigay lamang ng malisya kung nakita man siyang napatigil sa tapat ng bahay ng aktor kapag nagbi-bike.

Bagaman kilala niya si Gerald, nahihiya raw si Jen sa kumalat na balita na tinalakay sa isang show. “Well, kilala ko siya, kilala n’ya rin ako, yun lang, ganun lang pero hindi…nakakahiya, sorry," ayon kay Jennylyn.

Nakiusap na lang ang aktres sa ibang manunulat na huwag munang isusulat ang kuwentong masasagap nito kapag hindi naman batid ang buong detalye. – Fidel Jimenez, GMANews.TV




advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement