GMA News Online
Showbiz

iGMA: Jaya talks about SOP and Party Pilipinas

March 6, 2010 3:59pm
Naging emotional ang final episode ng SOP last Sunday, at isa sa mga deeply affected ng pangyayari ay ang 'Soul Diva' na si Jaya who was with the show for almost 10 years.

Maraming nga ang na-touch sa final concert ng SOP last Sunday. Lahat halos ng naging part ng show ay nandoon to bid their loyal viewers adieu.

"Any show, any project na meron ka na nagsasara, lalo na if it’s more than 10 years, 12 years, 13 years parang malungkot," seryosong pahayag ni Jaya sa iGMA.

But she clarified na mas concern at worried siya para sa mga staff ng SOP.

"We’re sad for the staff more than ourselves. Kami kahit papaano, carry. May mga trabaho kaming left and right, kung ano man 'yan. Sa staff medyo mahirap 'yan, kasi buhay na nila 'yan tapos biglang sa isang iglap wala na," dagdag pa ng Soul Diva.

"Pero sabi ko nga ‘pag may nagsasarang pinto may susunod na magbubukas so ‘wag mawawalan ng pag-asa di ba? ‘Yun lang naman eh, trabaho talaga ang kailangan ng mga staff so I'm hoping for them to have another project or a job or another show," patuloy ni Jaya.

Party Pilipinas

Before SOP ended last Sunday, nagbigay ng hint ang mga main hosts ng show na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs at of course si Jaya, na they will be back soon.

Nauna na ngang nagbigay ng pahayag si Ogie at Regine about the new show Party Pilipinas.

Ano ang pagkakaiba nito sa SOP?

"From what I was told, magbibigyan nga daw ng magagandang spots and segments ang mga talents, mapi-feature lahat talaga," Jaya shared.

And with this, aminado siya na masaya siya sa ganitong set-up.

"Well there’s not much I can ask for. I'm so blessed. Hindi ako super superstar--alam mo 'yung parang lumulutang sa ere, but I have a very stable career and I plan to keep it that way," ayon kay Jaya na kasama rin ni Regine sa kantaseryeng Diva.

“And hopefully marami pa kaming ipapalabas na talent sa bagong show but I wanna do more dancing. Hopefully I can be given a chance ‘no?," natatawang pagtatapos ni Jaya.
Abangan ang Party Pilipinas ngayong Marso. - Loretta G. Ramirez, iGMA