Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

PEP: Mark Bautista ‘returns’ to Kapuso Network

March 15, 2010 6:53pm

Sunud-sunod ang contract signing na isinasagawa ngayon sa bakuran ng GMA-7.

Bukod sa mga dati nang talents ng Kapuso network na nag-renew ng kanilang mga kontrata, may ilan din namang mga bagong Kapuso. Isa na nga rito ang singer-actor na si Mark Bautista.

Pumirma ng three-year guaranteed contract si Mark sa GMA-7 last Thursday, March 11. Kasama niyang pumirma ang manager niya na si Veronique del Rosario ng Viva Artist Agency.

Ayon kay Mark, hindi naman talaga siya lumipat mula sa ABS-CBN, kung saan napapanood siya sa musical-variety show na ASAP, kundi nagbabalik lamang siya sa GMA-7.

"Hindi naman 'to talaga 'to na parang lumipat. Pero bumalik lang ako kasi actually, dito nga ako nag-start," sabi niya.

Matatandaang bago naging Kapamilya si Mark ay lumabas sila noon ni Sarah Geronimo sa SOP pagkatapos ng Star For A Night, ang singing contest ng Viva hosted by Regine Velasquez na ipinalabas sa IBC-13.

Dagdag ni Mark, hindi rin daw siya nahirapang magdesisyon na bumalik sa GMA-7.

Tatlo agad ang shows na gagawin ni Mark sa Kapuso network. Una na nga rito ang Sunday musical-variety show na Party Pilipinas, na kapalit ng SOP at makakatapat ng dati niyang programa sa ABS-CBN na ASAP.

STARTALK HOSTS. Last Friday naman, March 13, ay nag-renew ng kanilang mga kontrata ang mga host ng Startalk na sina Joey de Leon, Butch Francisco, Ricky Lo, at Lolit Solis.

Ang pagpirma nilang ito ang kumpirmasyon ang naunang balita na lilipat na sa TV5 si Ricky, kung saan isa ring showbiz talk show rin sana ang gagawin niya.

Ang iba pang Kapuso stars na pumirma ng kontrata last week ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Katrina Halili, Lovi Poe, Kyla, Jay-R, TJ Trinidad, Raymond Gutierrez, Ehra Madrigal, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso, at ang StarStruck V winners and avengers. - Philippine Entertainment Portal
Go to comments