Ogie Alcasid defends Arnel Pineda over national anthem issue
Sinabi ni Ogie Alcasid na mali raw na parusahan si Arnel Pineda dahil sa ginawa nitong bersiyon sa pagkanta ng Lupang Hinirang sa nakaraang laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey sa Texas, USA. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ng composer/singer/actor na si Ogie na hindi dapat batikusin ang Journey front man na si Arnel dahil sa pagbirit nito sa huling bahagi ng pambansang awit. (Read: Arnel Pineda's version of RP anthem criticized). Bilang alagad ng musika, sinabi ni Ogie na bahagi ng artistic expression ni Arnel ang ginawa nitong rendisyon sa national anthem. Ang mahalaga umano inawit ito ni Arnel ng buong puso.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âNaniniwala ako na interpretasyon ni Arnel ay kanya yun, artistic expression nâya âyon. Mali naman na kumbaga parusahan natin si Arnel for being of service to the country," pahayag ni Ogie. Humingi na si Arnel ng paumanhin sa National Historical Institute sa rendisyon niya sa pag-awit ng Lupang Hinirang ngunit nanindigan siya sa kanyang kalayaan bilang alagad ng sining sa ginawang pag-awit. Pabor din ang nobyo ng star ng kantaserye na Diva na si Regine Velasquez, na baguhin ang batas sa pag-awit ng Lupang Hinarang para hindi na maging isyu ang ibat-ibang interpretasyon nito. Bago si Arnel, pinuna rin ng National Historical Institute ang bersiyon sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa mga nakaraang laban ni Pacquiao katulad nina Martin Nievera, Kyla, Jennifer Bautista, at La Diva (na binubuo nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricar Garcia). - FRJ, GMANews.TV