ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Likhang tula dulot ng pangungulila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maraming salamat po Kapuso sa napakagandang kolum po na Kwentong Kapuso para sa mga katulad naming Pilipino na nasa abroad. Halos lahat po ng aking nabasa na mga kuwento ng mga kababayan natin na sumulat dito sa Pinoy Abroad/Kwentong Kapuso ay pawang totoo po. Isa rin kasi akong manggagawa sa abroad na karanasan ng mga kahalintulad na mga kuwento ng mga bagong bayani kung tawagin. Sana po ay maihatid ko ang mensahe ko sa pamamagitan ng tulang na aking nilikha. Ang aking kalungkutan na nadarama sa aking pag-iisa rito ay maipapahiwatig ko lamang sa aking tula. Kalungkutan na sanhi ng pagiging malayo sa aking mga mahal sa buhay. Maraming salamat pong muli. Aking pangungulila Pangungulila ang tanging nadarama Sa tuwing napag-iisa. Kailanman ay nais makapiling Ang pamilya’t mahal sa buhay. Sa bawat araw ay nagpapasalamat Masilayan ang sikat ng araw Na nagbibigay pag-asa sa ating buhay Lakas sa pagtahak ng mga pagsubok. Malayo man ang kinaroonan Dinig pa rin ang panaghoy Na makasama muli't tahakin Ang buhay na mapayapa. Buong puso’t kaluluwa Alay sa Panginoong Maykapal Nagpapasalamat sa gabay Nya’y hatid Pag-asang maitaguyod at makasamang muli Ang aking masayang pamilya. - GMANews.TV Max Samatra Qatar 2010 Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!