GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Baraquel, Querubin umangat: Revilla, Estrada nanguna sa survey sa Senado

April 30, 2010 5:35pm
MANILA – Ang mga datihan at babalik na mga senador ang patuloy na nangunguna sa pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa pinag-aagawang 12-puwesto sa Senado sa darating na halalan sa Mayo 10.

Batay sa survey, kung ngayon gagawin ang halalan ay mangunguna si re-electionist Sen Ramon "Bong" Revilla Jr., na may 52,8 percent. Sinundan siya ng kapwa artistang si re-electionist Sen Jinggoy Estrada na may 50 percent.

Nasa pangatlong puwesto naman si Sen Miriam Defensor Santiago (47.9%), na sinundan ni Senate President Juan Ponce Enrile (40.6 %), at nagbabalik na si dating Senate President Franklin Drilon (38.4%).

Pasok din sa “magic 12" sina re-electionist Sen Pia Cayetano (38.1%), dating Sen Vicente "Tito" Sotto III (32.3% ), Sergio "Serge" Osmeña III (32.2 %) at Ralph Recto (30.1%).

Source: Pulse Asia


Nakasingit naman sa ika-10 puwesto si Ilocos Norte Rep. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na may 27.7 porsiyento.

Lumilitaw sa survey na mahigpit ang magiging laban ng mga nasa ika-11 hanggang ika-18 puwesto dahil sa magkakadikit na numero na kanilang nakuha. Kinabibilangan ito nina Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III (23%), re-electionist Sen Lito Lapid (21%), Akbayan Rep. Risa Hontiveros Baraquel (20.2%), Jose "Joey" de Venecia III (19.6%), Gwendolyn Pimentel (19.2%), Gilbert Remulla (18.7%), Marine Colonel Ariel Querubin (17.5%), at Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon (17.3%).

Sina Baraquel at Querubin ang may pinakamalaking pag-angat sa bagong survey ng Pulse Asia na may 1,800 respondents at ginawa nitong Abril 23 -25. Mayroon itong two percent margin of error.

Umangat si Baraquel ng 8.5 percent, habang kumamada ng 7.3 percent si Querubin, na nakakulong dahil sa alegasyon na kasama siya mga sundalong nagbalak na mag-aaklas laban sa administrasyong Arroyo. – GMANews.TV





We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus